Ilang 'roadworthy' na traditional jeeps sa NCR balik-pasada sa Biyernes
MANILA, Philippines — Maaari na uling makapamasada ang ilang tradisyunal na jeepney sa National Capital Region (NCR) bago magtapos ang linggong ito sa gitna ng general community quarantine (GCQ), pagkukumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Miyerkules.
Sa kabila nito, 49 na ruta lang ito — dahilan para matengga pa rin sa mga garahe ng operators ang napakamaraming traditional na jeepney ngayong linggo.
"Per MC 2020-026, traditional PUJs with routes indicated in MC's Annex A can ply their existing routes with NO SPECIAL PERMIT NECESSARY starting 3 July 2020," sabi ng LTFRB sa isang pahayag.
"The LTFRB emphasizes to the traditional PUJ operators that they must provide PUJs that are currently registered roadworthy with the Land Transportation Office (LTO) and with valid Personal Passenger Insurance Policy."
Hindi pa naman inililinaw ng LTO kung paano masasabing "roadworthy" ang isang jeep, matapos ang ilang pagsusumikap ng Philstar.com na makahingi ng tugon.
Marso 2020 simula nang suspendihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng pampublikong transportasyon sa bansa bunsod ng pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Nakabalik na ang karamihan dito kahit sa Metro Manila sa limitadong saklaw, maliban na lang sa tradisyonal na jeep.
Narito ang mga sinasabing ruta na papayagang makapasada:
- T102 Camarin - Novaliches
- T103 Karuhatan - Ugong
- T104 Malabon - Monumento via Letre
- T105 Malabon (TP) - Navotas (TP)
- T107 Monumento - Navotas via Letre
- T205 Cubao - Proj. 4 via J.P. Rizal
- T206 Cubao - San Juan via N. Domingo
- T208 IBP Road - Lupang Pangako via Gravel Pit Road
- T209 Marikina - Pasig
- T210 Pantranco - Proj. 2 & 3 via Kamuning
- T211 Proj. 2 & 3 - Q Mart
- T212 Sucat-Highway - Bagumbayan
- T213 Ayala - Pateros via JP Rizal
- T215 Marikina - Pateros via Pasig
- T301 A. Boni - A. Mabini via 10th Ave
- T302 A. Bonifacio - D Tuazon/E. Rodriguez Ave.
- T303 A. Rivera - Raon via Severino Reyes
- T305 Ayala - Mantrade via Pasong Tamo
- T306 Ayala - Washington
- T309 Balic-Balic - Quiapo via Lepanto
- T310 Balic-Balic - Bustillos via G. Tuazon
- T311 Balic-Balic - Espana/M. Dela Fuente
- T312 Balintawak - Frisco
- T313 Balut - Blumentritt
- T314 Blumentritt - North Harbor via Divisoria
- T316 Boni - Kalentong JRC via Boni Avenue
- T317 Dian - Libertad
- T318 Divisoria - Gastambide via Morayta
- T320 Divisoria - Pier North via Plaza Moriones
- T321 Divisoria - Quiapo via Evangelista
- T322 Evangelista - Libertad
- T323 Divisoria - Velasquez
- T324 Guadalupe Market - L. Guinto via Pasig Line
- T326 L. Guinto - Sta. Ana
- T327 Herbosa/Pritil - P. Guevarra via Tayuman
- T328 Kalentong/JRC - P. Victorino via P. Cruz
- T330 Divisoria - Sta. Cruz via San Nicolas
- T331 Kayamanan C - PRC via Pasong Tamo
- T332 L. Guinto - Zobel Roxas via Paco
- T333 Lardizabal - Rizal Ave. via M. Dela Fuente
- T334 Lealtad - Quiapo (Barbosa) via Lepanto
- T335 Kalentong/JRC - Libertad (Mandaluyong) Nueve de Pebrero
- T336 Kalentong/JRC - Namayan via Vergara
- T338 North Harbor - Quiapo via Evangelista
- T340 P. Faura - San Andres
- T343 Quezon Ave. - Sta. Mesa Market via Araneta Avenue
- T344 Crame - San Juan via Pinaglabanan
- T401 Alabang - Sucat via M.L. Quezon
- T402 Soldiers Hill (Phase IV) - Talon via Alvarez
Halos apat na buwan nang gutom ang maraming tsuper ng jeep dahil sa pagtigil ng kanilang pagpasada.
Nangyari ito kasabay ng record-high na 17.7% unemployment rate sa Pilipinas noong Abril 2020, kasabay ng mga ipinatupad na lockdown.
Una nang pinayagang pumasada ang mga "modernized" jeepneys, na noon pa itinutulak sa mga tsuper kahit mas mahal ang mga unit. Pangamba tuloy nang maraming transport groups, maaaring ginagamit ang COVId-19 pandemic upang isakatuparan ang jeepney phaseout na itinutulak ng gobyerno.
Safety measures, pamasahe
Bago magbalik-kalsada, dapat munang sumunod sa ilang safety protocols ang mga "hari ng kalsada."
Kasama rito ang:
- pagche-check ng body temperature
- pagsusuot ng mask at gwantes (gloves) sa lahat ng oras
- pagpapanatili ng maximum 50% capacity
- pagpapamahagi ng "passenger contact forms"
Sa kanilang pagpasada, kinakailangang P9 pa rin ang pamasahe sa unang apat na kilometro at P1.50 sa mga susunod na kilometro. Hindi naman pahihintulutan ang mga pag-adjust sa pasahe maliban kung aprubahan ng board.
"In lieu of the Special Permit, a corresponding QR Code shall be issued to the operator prior to operation, which must be printed and displayed in the corresponding unit. The operator may secure said QR Code by downloading it from the LTFRB website at www.ltfrb.gov.ph," patuloy ng LTFRB.
Oras na lumabag sa mga nasabing kondisyon, posibleng humarap ang mga nabanggit sa multa o suspensyon hanggang kanselasyon ng kanilang prangkisa o Certificate of Public Convenience (CPC) oo Provisional Authority (PA). — may mga ulat mula kay Franco Luna
- Latest