MANILA, Philippines — Nasa 221 bilanggo ang binigyan ng parole ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapaluwag ang mga kulungan sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa kanyang report sa Kongreso, sinabi ng Pangulo na ang parole sa 221 persons deprived of liberty (PDLs) ay aprubado ng Board of Pardons and Parole (BPP).
Ayon pa kay Duterte, nasa 119 PDLs ang inirekomenda ng BPP na mabigyan naman ng executive clemency.
Samantala, lahat ng palalayaing preso ay kailangang sumailalim sa quarantine bago tuluyang makalaya.
Isa sa mga naging problema ng gobyerno nang magkaroon ng COVID-19 pandemic ay ang mga siksikang bilangguan sa bansa.