^

Bansa

Roque nagbunyi vs COVID-19 projection ng UP kahit 10k pang 'positibo' hinahabol

Philstar.com
Roque nagbunyi vs COVID-19 projection ng UP kahit 10k pang 'positibo' hinahabol
Nagsusuot ng kanilang personal protective equipment (PPE) kontra COVID-19 ang mga healthcare workers na ito sa Mega Swabbing Center ng Philippine Sports Stadium sa Sta Maria, Bulacan, ika-20 ng Mayo, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinaghihinahon muna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) si presidential spokesperson Harry Roque sa pagsasaya sa diumano'y hindi pag-abot ng Pilipinas sa inaasahang 40,000 positibo sa coronavirus disease (COVID-19) bago matapos ang Hunyo gayong marami pang kasong nahuhuli.

"No, Harry. We did not win squat," tugon ni BAYAN secretary general Renato Reyes Jr., Martes.

"The self-congratulations is grossly misinformed and intellectually dishonest."

Ipinangalandakan na kasi ni Roque kaninang umaga ang aniya'y pagkatalo ng gobyerno sa projected cases pagsapit ng ika-30 ng Hunyo, kahit na marami pang nagpositibo sa COVID-19 testing na muli pang kinukumpirma.

Kahit 36,438 pa lang ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH) noong Lunes, sinabi rin ng ahensya na 46,272 na ang nagpositibo sumatutal noong ika-28 ng Hunyo.

 

 

Dahil diyan, mahigit-kumulang 10,000 nagpositibo sa COVID-19 tests pa ang kinukumpirma sa ngayon.

'Yan ay kahit na ipinagmamalaki ni Roque na 1,000 na lang ang backlog ng Pilipinas sa pagkukumpirma ng test results.

"Panalo na tayo. We beat the UP prediction so congratulations Philippines. Let's do it again in July. So we are winning," sabi ni Roque sa isang virtual briefing kanina.

Pero pagtataka ni Reyes, hindi nila alam kung saan hinugot ng Palasyo ang 1,000 datos sa backlogs.

"Contrary to what Roque claims, nowhere in any DOH report do we see a backlog of only 1,000. Unless the DOH has changed its definition of a backlog in validation, Roque's claims are false. He offers no proof of this '1,000 backlog,'" wika pa ng militanteng lider.

"Even assuming half of the 10,817 validation backlog are duplicates, we still end up with 40,000 confirmed cases."

Dagdag pa ng BAYAN, nananatiling "below capacity" ang arawang testing kontra COVID-19. Sa ngayon kasi, 12,306 samples pa lang ang nasusuri — bagay na malayo raw sa 51,000 daily testing capacity.

Matatandaang naglabas na uli ng panibagong prediction ang mga dalubhasa mula sa Unibersidad ng Pilipinas, at sinabing posibleng umabot ito sa 60,000 bago matapos ang Hulyo 2020. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero at News5

Related video:

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with