^

Bansa

Cebu City, bagong epicenter ng COVID-19

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Cebu City, bagong epicenter ng COVID-19
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, vice-chairperson ng national task force against the pandemic, mas mataas na ang rate ng impeksiyon sa Cebu City kaysa sa Metro Manila.
Paul Jun E. Rosaroso/File

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Interior Secretary Eduardo Año na Cebu City na ang bagong epicenter ng COVID-19 sa Pilipinas dahil sa dami ng bagong kaso at bilang ng mga namamatay.

Ayon kay Año, vice-chairperson ng national task force against the pandemic, mas mataas na ang rate ng impeksiyon sa Cebu City kaysa sa Metro Manila. 

Paliwanag niya, kum­para sa Metro Manila, na bagama’t marami ring kaso ng sakit, ay mayroon namang 17 LGUs. Ang Cebu City ay marami ring kaso ng karamdaman, gayung iisang lungsod lamang ito.

“Yes, more likely because of the rate of infection... In Cebu City, just one city, so if you compare it to the Natio­nal Capital Region where we have 17 LGUs... in Metro Manila we have 356 (bagong kaso ng sakit) while we have 131 in Cebu City, so you can just see the number,” paliwanag ni Año.

Aminado si Año na nababahala sila dahil base sa kanilang nakita, tumaas ang kaso ng severe at mga critical cases at maging ang death rate sa lungsod.

“Cebu City is taking a lot of new cases. We are worried with the number of deaths also. That’s why we put up a task force in Cebu led by Secretary [Roy] Cimatu as directed by President Rodrigo Duterte,” aniya pa.

Kasalukuyang naka-lockdown ang Cebu City, na nakapagtala na ng 4,962 COVID-19 infections, kabilang ang 2,596 recoveries at 156 na binawian ng buhay.

Naniniwala naman si Año na posibleng dumami ang mga kaso ng COVID-19 infections sa lungsod dahil mahigit kalahati ng mga ito ay naka-home quarantine lamang, na nagresulta sa local transmission.

Inaasahan namang magtutungo ang mga opisyal ng pamahalaan sa Cebu City sa Miyer­kules upang perso­nal na alamin ang sit­wasyon doon at maka­pagsagawa pa ng mga pamamaraan para ma­tuldukan na ang pagkalat ng virus. Mer Layson

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with