^

Bansa

Tradisyunal na jeep papasada na sa mas maraming lugar... pwera Metro Manila

James Relativo - Philstar.com
Tradisyunal na jeep papasada na sa mas maraming lugar... pwera Metro Manila
Kasama sa isang picket sa Bonifacio Shrine sa Rotonda, Caloocan ang tsuper ng jeep na ito upang ipanawagan sa Land Transportation and Regulatory Board ang kanilang pagbabalik-pasada, ika-26 ng Hunyo, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Papayagan na uli bumiyahe ang ilang tradisyunal na jeep sa sari-saring lugar sa Pilipinas matapos suspendihin ang kanilang serbisyo nang lampas tatlong buwan.

Inanunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque, Lunes, ang mga dagdag na lugar na papayagan sa isang virtual briefing.

"Meron na rin hong traditional jeepneys sa Bulacan, sa Pampanga, sa Cagayan de Oro, sa South Cotabato, sa Caraga, sa Region X, sa Region XI, sa CAR, sa Region VI, sa Siquijor, sa Region VIII, sa Region XII, sa Region I, at sinabi ko na po CARAGA," ani Roque.

Hindi pa rin kasama sa listahan na 'yan ang National Capital Capital Region (NCR) at iba pang rehiyon sa Pilipinas.

Matagal nang kumakalam ang sikmura nang maraming jeepney drivers sa bansa matapos pigilan ng gobyerno bilang pag-iingat sa hawaan ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19), dahilan para manlimos, magprotesta at makulong ang ilang tsuper.

Basahin: 4 sa 6 na Piston members na kulong sa 'anti-jeep ban' protest laya sa piyansa

Samantala, papayagan na rin ang pagbabalik-pasada ng mahigit 980 unit ng UV Express sa Kamaynilaan at mga karatig probinsya katulad ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Tatakbo ang mga ito sa 47 ruta na walang "modernized jeepney" at city buses, dagdag pa ni Roque.

Una nang pinayagan ang pagpasada ng mga electric-powered modern "jeeepneys" sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, bagay na ikinalungkot ng mga driver ng tradisyunal na jeep.

Ang mga tsuper ng jeep na nawalan ng trabaho ay kasama sa 7.3 milyong Pilipino na nawalan ng hanap-buhay bunsod ng mga lockdown konta-COVID-19, matapos umabot sa 17.7% ang unemployment rate sa Pilipinas noong Abril — ang pinakamataas simula noong nagpalit ng methodology ang gobyerno noong 2005.

May kaugnayan: 2 sa inarestong 'Piston 6' nagpositibo sa COVID-19 — Caloocan congressman

HARRY ROQUE

JEEPNEY

NOVEL CORONAVIRUS

UNEMPLOYMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with