^

Bansa

150 SAF idedeploy sa Cebu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
150 SAF idedeploy sa Cebu
Ayon Kay PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force Covid Shield Commander PLt. Gen. Guil­lermo Eleazar, inaprubahan na ni PNP Chief PGen. Archie Gamboa ang ipadadalang 150 SAF members para mahigpit na ipa­tupad ang pananatili sa bahay ng mga tao at paggamit ng face masks sa mga mahahalagang lakad sa labas ng bahay.
The STAR/KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19, ipadadala ng Philippine National Police ang  dalawang company ng Special Action Force (SAF) para tumulong sa pagpapatupad ng  Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Cebu City.

Ayon Kay PNP Deputy Chief for Operations at Joint Task Force Covid Shield Commander PLt. Gen. Guil­lermo Eleazar, inaprubahan na ni PNP Chief PGen. Archie Gamboa ang ipadadalang 150 SAF members para mahigpit na ipa­tupad ang pananatili sa bahay ng mga tao at paggamit ng face masks sa mga mahahalagang lakad sa labas ng bahay.

Aniya, ang mga basic health protocols lamang ang dapat na sundin ng publiko upang maiwasan na kumalat ang virus.

Batay sa obserbasyon ng mga opisyal ng Inter Agency Task force on managing emerging infectious diseases (IATF-MEID) at National Task Force on Covid 19 (NTF-Covid-19) sa kanilang pag-inspeksyon sa Cebu na marami ang hindi sumusunod sa quarantine protocols.

Una nang nagpadala ang PNP ng karagdagang 100 pulis mula sa PRO6 at PRO 8 sa Cebu para tumulong sa local police sa pagpapatupad ng ECQ.

SAF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with