^

Bansa

4 milyon pa mawawalan ng trabaho sa pagtatapos ng 2020 — DOLE

Philstar.com
4 milyon pa mawawalan ng trabaho sa pagtatapos ng 2020 — DOLE
Makikita ang pamamalimos ng ilang tsuper ng jeep sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman matapos suspendihin ng gobyerno ang kanilang mga biyahe bunsod ng banta ng COVID-19
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaasahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na lalo pang madadagdagan nang milyun-milyon ang bilang ng mawawalan ng kabuhayan sa pagtatapos ng taong 2020 kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello II sa pagdinig ng Senado, Miyerkules, kahit na nakapagtala pa lang ng 7.3 milyong Pilipinong walang trabaho noong Abril 2020 — ang pinakamataas na unemployment rate sa kasaysayan ng Pilipinas na pwedeng ikumpara mula 2005.

"We are expecting we'll lose about another 10-15% percent of our workforce. About 4 million," ani Bello.

"It would be bigger, but we are expecting a resurgence in BPOs and construction with the implementation of Build, Build, Build."

Una nang sinabi ng DOLE na hindi naman milyon ang nawalan ng trabaho kasabay ng mga lockdown matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 17.7% unemployment rate, ngunit tila opisyal na pagkambyo na sa panig ng kalihim ang panibagong pahayag.

Basahin: Dehins milyon?: Unemployed sa lockdown '69,000 lang' noong Abril, sabi ng DOLE

Mahigit 2,000 negosyo na ang unang nag-abiso ng permanenteng pagsasara, redundancy o retrenchment sa DOLE bunsod ng community quarantine na lampas tatlong buwan na sa ngayon.

Ilan sa mga walang kinikita sa ngayon ang mga jeepney drivers sa Metro Manila, na banned pa rin pumasada kahit na nagpapatupad na ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ) ang rehiyon.

Marami rin sa mga napilitang iwan ang trabaho ay ang mga oversease Filipino Workers (OFWs) dahil sa COVID-19 pandemic sa ibang bansa. Umaabot na sa 59,000 OFWs ang ni-repatriate ng Pilipinas habang 42,000 ang sinasabing parating pa ng bansa.

Sa ngayon, nasa 1 milyong formal at informal workers na ang sinasabing naabutan ng emergency employment at mga subsidiya para harapin ang matinding dagok ng pandemya sa pang-araw-araw.

"It will weaken economic activities. Hindi sila mamimili. Walang pupunta sa restaurants... walang business," sabi pa ni Bello.

"We need to secure jobs." — James Relativo

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

UNEMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with