Sec. Cimatu ipinadala sa Cebu bilang kinatawan ng IATF
MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu na lumipad sa Cebu City bilang kinatawan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases matapos magtala ang siyudad ng mataas na bilang ng may COVID-19.
Sinabi ng Pangulo na ang tanggapan ni Cimatu ay magkakaroon ng kapangyarihan na kaugnay sa IATF.
“Kayong lahat naman eh nandito sa Maynila, the head body of that is the IATF. Then itong ‘yung office ni Secretary Cimatu would be an adjunct to that body. So he will exercise all the powers of that body upon notifying General (Delfin) Lorenzana who heads the agency,” ani Duterte.
Pinuna rin ng Pangulo ang problema ng sisihan ng mga lokal na opisyal ng probinsiya.
Nilinaw ng Pangulo na hindi naman siya nawa-walan ng tiwala sa mga taga-Cebu na hindi nila mareresolba ang problema pero wala umano sa kanilang gustong managot sa mga nangyayari.
Si Cimatu rin aniya ang magre-report sa Maynila ng mga nangyayari sa Cebu, mga dapat gawin at mga hindi pa nagagawa.
Pinagagamit din ng Pa-ngulo kay Cimatu ang eroplano ng Air Force sa mga pagbiyahe niya sa Cebu at pagbalik sa Maynila.
Aminado ang Pangulo na hindi makakaya ni Cimatu na solusyunang mag-isa ang problema ng COVID-19 sa Cebu at kailangan nitong gumawa ng mga rekomendasyon at mga dapat gawin.
Related video:
- Latest