Pagbiyahe ng mga tradisyunal na jeep, lumalabo
Pahiwatig ng palasyo
MANILA, Philippines — Ipinahiwatig kahapon ng Malacañang na walang kasiguraduhan na makakabiyahe pa ang mga tradisyunal na jeep kung susundin ang hierarchy ng mga pampublikong sasakyan ngayong may COVID-19 kung saan pinakahuli ang mga jeep.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, susundin sa pagbiyahe ang hierarchy ng public transportation at ikokonsidera lamang ang mga tradisyunal na jeep kapag nakabiyahe na ang lahat ng mga pinapayagang transportasyon at kung nagkulang pa rin ang mga ito.
“Hihintayin ang full deployment ng mo-dern PUVs bago ang UV Express. Once fully deployed at kulang pa rin ang supply, we will consider deploying traditional jeepneys,” sabi ni Roque.
Nagsimula kaha-pon ang second phase ng public transportation kung saan nakalabas ang nasa 308 modernong public utility jeepney units.
Binalewala naman ni Roque ang pagka-bahala ng IBON Foundation sa paggamit ng mga modernong jeep na may air-condition dahil mas ligtas umano ang mga pasahero mula sa airborne coronavirus infection sa mga tradisyunal na jeep na bukas ang mga bintana.
Kinuwestiyun din ni Roque ang kuwalipikasyon ng IBON Foundation sa nasabing konklusyon.
“Hindi ko po alam kung anong kuwalipikasyon ng IBON para magbigay ng ganitong konklusyon. Pero ang ordinaryong mamamayan po alam naman na kapag harapan talaga ang upuan ay talaga namang mas mataas iyong tiyansa na magkahawaan kaysa iyong lahat ay nakaharap sa isang direksyon lamang,” sabi ni Roque.
Related video:
- Latest