Doktor, nurse, health workers na may COVID-19 umabot na sa 3,122
MANILA, Philippines — Umabot na sa 3,122 mga doktor, nurses at iba pang health workers ang dinapuan ng COVID-19 matapos makapagtala ng 253 bagong kaso sa loob ng isang linggo ang Department of Health (DOH).
Nabatid na may isang linggong itinigil ng DOH ang pagbibigay ng datos sa mga health workers kung saan pinakahuli nitong Hunyo 13 bago muling nagpalabas ng bagong datos nitong Hunyo 20 dahil sa pagpapatupad ng bagong reporting format.
Sa inilabas na datos, may 396 rin sa mga health workers ang gumaling sa karamdaman habang nasa 33 sa kanila ang nasawi.
Sa 3,122, nasa 854 na lamang umano ang nananatiling aktibong mga kaso ngunit hindi tinukoy kung ilan ang malubha at kritikal sa kanila.
Kabilang sa datos ang 1,126 nurses, 811 mga doktor, 212 nursing assistants, 122 medical technologists, 62 radiologic technologists, 45 midwives, 33 respiratory therapists at 21 pharmacists.
Isinama rin sa talaan ang mga hospital staff na non-medical. Kabilang ang 201 admi-nistrative staff, 94 utility staff, 49 dietary staff, 35 drivers, 29 barangay health workers, 19 security guards at 12 caregivers.
Related video:
- Latest