^

Bansa

136 lindol naitala dahil sa Bulkang Kanlaon, umabot nang 'intensity V'

Philstar.com
136 lindol naitala dahil sa Bulkang Kanlaon, umabot nang 'intensity V'
Satellite image ng Bulkang Kanlaon mula sa kalawakan
Imahe mula sa Google Maps

MANILA, Philippines — Binabantayan ngayon nang maigi ang Bulkang Kanlaon sa pulo ng Visayas matapos ang biglaang pagdami ng "volcanic earthquakes" sa nakaraang araw, ayon sa pahayag ng mga state volcanologists, Lunes.

Umabot na ito sa 136 sa nakaraang 24 oras at naitala sa western flanks.

Apat sa mga lindol kaninang madaling araw ay naramdaman sa lakas na intensity II (weak) hanggang intensity V (strong) sa La Carlota at Bago City sa probinsya ng Negros Occidental at Canlaon City sa probinsya ng Negros Oriental, sabi ng Philippine Seismic Network.

"Activity at the vent consisted of moderate emission of white steam-laden plumes that rose 200 meters before drifting southwest," sabi pa ng Phivolcs.

"Sulfur dioxide (SO2) emission was measured at an average of 438 tonnes/day on 13 June 2020."

 

 

Enero 2020 pa nang simulang makakitan ng bahagyang lumiit ang mababa't gitnang bahagi ng dalusdos (slope) nito, ngunit namaga uli ang mid slopes bandang Abril 2020.

"These parameters indicate that hydrothermal or magmatic activity is occurring beneath the edifice," dagdag ng Phivolcs.

Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Kanlaon, at nangangahulugang "abnormal" ang kondisyon nito'y nagsisimula nang mag-alburoto.

Lubhang ipinagbabawal naman ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone ng Kanlaon dahil sa posibilidad nang biglaang pagbubuga ng peligrosong singaw at "phreatic eruptions."

Pinaiiwas din ang civil aviation authorities sa paglipad malapit sa bunganga ng bulkan dahil maaari raw makapaminsala ang biglang pagputok nito.

"DOST-PHIVOLCS is closely monitoring Kanlaon Volcano’s activity and any new development will be relayed to all concerned," kanilang panapos.

Enero 2020 nang matatandaang sumabog ang Bulkang Taal sa Batangas, na nagbuga ng delikadong volcanic ash hanggang Metro Manila at nagpalikas sa mahigit daan-libong residente.

Noong nakaraang linggo lang nang muling mag-trending ang Taal dahil sa mga diumano'y pagkidlat at panibagong pagsabog ng Taal, na hindi naman totoo.

Matatagpuan ang Pilipinas sa sinasabing "ring of fire" sa palibot ng Karagatang Pasipiko kung saan madalas ang mga paglindol at pagsabog ng bulkan. — James Relativo

EARTHQUAKE

KANLAON VOLCANO

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with