13 milyong estudyante nakapag-enroll na
MANILA, Philippines — Umabot na sa 13 milyong estudyante ang nagpa-enroll sa mga pampublikong paaralan sa bansa mula Kindergarten hanggang Grade 12, para sa School Year 2020–2021.
Ayon sa DepEd, sa 13-milyong nag-enroll, 5,505,252 ay mula sa elementarya; 3,723,633 sa junior high school; 1,249,966 sa senior high school at 661,907 sa kindergarten.
Kasama sa mga nagpa-enroll ay ang mga sasailalim sa Alternative Learning System at non-graded learners with disabilities.
Simula noong Hunyo 1, nagpatupad na ang DepEd ng remote enrollment sa pamamagitan ng mga alternatibong pamamaraan, kung saan hindi na kinakailangan pang magtungo ang estudyante o magulang sa mga paaralan.
Noong nakaraang Martes, sinimulan na rin ng DepEd ang paglalagay ng drop box at kiosks sa mga barangay hall at eskuwelahan para kumuha at maghulog ng enrollment documents gayundin ng Learner Enrollment and Survey Form (LESF).
Umaasa ang DepEd na magiging maayos at mapayapa sa kabuuan ang pagbubukas ng klase ?sa Agosto 24 sa kabila ng krisis na kinakaharap dahil sa COVID-19.
- Latest