MANILA, Philippines — Inakusahan kahapon ng Malacañang si dating senador Antonio Trillanes III na nang-iintriga at nagdudulot nang pagkakahati sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque,”unfortunate” ang ginagawa ni Trillanes na gumawa umano ng isyu tungkol kay Vice President Leni Robredo.
Bago ito, hinamon ni Trillanes ang Palasyo na i-appoint si Robredo sa IATF bilang chair dahil tiyak umanong mas marami itong magagawa at sigurado umanong mas maganda ang kampanya kontra sa virus.
Pero sabi ni Roque, iniintriga lang siya ni Trillanes at kinikilala naman ng Palasyo ang ginagawa ni Robredo kontra sa pagkalat ng coronavirus. Hindi na rin umano kailangan pang isali si Robredo sa IATF.
“Let us not make an issue when there is none... We call on Mr. Trillanes not to twist my statement for the sake of political relevance and just do his share to alleviate the plight of our people amid this pandemic,” ani Roque.
Ayon pa kay Roque, hindi nila isinasantabi ang naging kontribusyon ng Bise Presidente sa paglaban sa COVID-19.
Anya, tumutulong si Robredo sa kanyang sariling paraan at kung “genuine” ang kanyang intensiyon ay hindi na siya kailangang italaga sa IATF katulad ng isinusulong ni Trillanes.