MANILA, Philippines — Takot at pangamba ang nadama nang marami nang mag-"trend" sa Twitter ng Bulkang Taal Huwebes nang gabi, bagay na nagpaalala sa sariwang ala-ala nang matinding pagsabog nito nitong Enero.
Bumuhos ang tweets patungkol sa diumano'y pagkidlat na nakita ng ilan sa "direksyon" ng bulkan, na nangyayari tuwing nagre-react ang mga kemikal ng volcanic ash sa mga gas na napapalibot dito tuwing may pagsabog.
Basahin: Why there are dazzling lightning displays during eruptions and other volcano facts
About lastnight grabee yung kidlat na walang tunog sa #taal pic.twitter.com/6qO2xKtGCz
— itskittkaatt???? (@kateelonn24) June 18, 2020
hala huy pumutok pala ulit taal kagabi kaya pala nagising ako ng mga 1am an lakas ng kulog at kidlat
— Norrine???? (@2004norrine) June 18, 2020
teka, diba kapag galing bulkan ang kidlat pataas dapat? idk, someone please enlighten me. @phivolcs_dost qny updates po ba sa bulkang taal?
— karl (@KarlCarandang_) June 18, 2020
Gayunpaman, walang katotohanan at espekulasyon lamang ng netizens ang nangyari, sa dahilang hindi naman sumabog nang marahas ang Taal sa nakaraang 24 oras. Nananatili ito sa "Alert Level 1," sabi ng Phivolcs.
Sa Taal volcano alert levels ng gobyerno, sinasabing walang "imminent" eruption na nangyayari tuwing Alert Level 1.
Gayunpaman, may ilang lindol na naitala dahil sa bulkan: "In the past 24-hour period, the Taal Volcano Network recorded ten (1) volcanic earthquakes that are associated mainly with rock-fracturing processes beneath and around the edifice," wika ng state volcanologists, Biyernes nang umaga.
#TaalVolcanohttps://t.co/QwuANzf6Fa pic.twitter.com/8opNl4EYcX
— PHIVOLCS-DOST (@phivolcs_dost) June 19, 2020
Pinabulaanan din ng ilang nakatira malapit sa bulkan na "kalmado" ang bulkan sa ngayon at walang nangyayaring pagsabog.
"Guys, kalma huhu I live near Taal and we don’t hear any thunder roaring," sabi ni @jaexingpil sa Twitter.
"Our volcano is calm as of now (hopefully tuloy tuloy) and those thunders are probably due to heavy rains."
Videos of thunders are circulating and people are saying that it’s coming from Taal Volcano. Guys, kalma huhu I live near Taal and we don’t hear any thunder roaring. Our volcano is calm as of now (hopefully tuloy tuloy) and those thunders are probably due to heavy rains.
— ???? (@jaexingpil) June 18, 2020
Una nang sinabi ng PAGASA kagabi na inaasahan ang ilang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan, pati ang pagkidlat sa Batangas, Laguna, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal at Cavite.
Thunderstorm Advisory No. 5 #NCR_PRSD
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) June 18, 2020
Issued at: 8:23 PM,18 June 2020
Moderate to Heavy rainshowers with lightning and strong winds are expected over #Laguna, #Batangas, #NuevaEcija, #Bulacan, #Rizal, and #Cavite within the next 2 hours.
Enero 2020 nang sumabog at umabot sa Alert Level 4 ang Taal sa Batangas, dahilan para lumikas ang daang-libong residente mula sa sari-saring lungsod, bayan at probinsya malapit sa pinangyarihan.
Matatandaang naglabas ito nang peligrosong abo, na masama sa kalusugan kung mahihigop. Umabot ang mga nasabing abo hanggang Metro Manila, dahilan para irekomenda ng gobyerno pagsusuot ng N95 masks.