^

Bansa

Trending pero peke: Pagkidlat, muling pagputok ng bulkang Taal

James Relativo - Philstar.com
Trending pero peke: Pagkidlat, muling pagputok ng bulkang Taal
Makikita ang "volcanic lightning" mula sa mga abong ibinuga ng Bulkang Taal sa pagsabog nito, ika-12 ng Enero, 2020
The STAR/Russell Palma, Mong Pintolo

MANILA, Philippines — Takot at pangamba ang nadama nang marami nang mag-"trend" sa Twitter ng Bulkang Taal Huwebes nang gabi, bagay na nagpaalala sa sariwang ala-ala nang matinding pagsabog nito nitong Enero.

Bumuhos ang tweets patungkol sa diumano'y pagkidlat na nakita ng ilan sa "direksyon" ng bulkan, na nangyayari tuwing nagre-react ang mga kemikal ng volcanic ash sa mga gas na napapalibot dito tuwing may pagsabog.

Basahin: Why there are dazzling lightning displays during eruptions and other volcano facts

Gayunpaman, walang katotohanan at espekulasyon lamang ng netizens ang nangyari, sa dahilang hindi naman sumabog nang marahas ang Taal sa nakaraang 24 oras. Nananatili ito sa "Alert Level 1," sabi ng Phivolcs.

Sa Taal volcano alert levels ng gobyerno, sinasabing walang "imminent" eruption na nangyayari tuwing Alert Level 1.

Gayunpaman, may ilang lindol na naitala dahil sa bulkan: "In the past 24-hour period, the Taal Volcano Network recorded ten (1) volcanic earthquakes that are associated mainly with rock-fracturing processes beneath and around the edifice," wika ng state volcanologists, Biyernes nang umaga.

Pinabulaanan din ng ilang nakatira malapit sa bulkan na "kalmado" ang bulkan sa ngayon at walang nangyayaring pagsabog.

"Guys, kalma huhu I live near Taal and we don’t hear any thunder roaring," sabi ni @jaexingpil sa Twitter.

"Our volcano is calm as of now (hopefully tuloy tuloy) and those thunders are probably due to heavy rains."

Una nang sinabi ng PAGASA kagabi na inaasahan ang ilang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan, pati ang pagkidlat sa Batangas, Laguna, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal at Cavite.

Enero 2020 nang sumabog at umabot sa Alert Level 4 ang Taal sa Batangas, dahilan para lumikas ang daang-libong residente mula sa sari-saring lungsod, bayan at probinsya malapit sa pinangyarihan.

Matatandaang naglabas ito nang peligrosong abo, na masama sa kalusugan kung mahihigop. Umabot ang mga nasabing abo hanggang Metro Manila, dahilan para irekomenda ng gobyerno pagsusuot ng N95 masks.

FACT CHECK

TAAL VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with