^

Bansa

Ilang Philhealth benefits baka suspendihin sa gitna ng COVID-19

Philstar.com
Ilang Philhealth benefits baka suspendihin sa gitna ng COVID-19
Papasok ng Sta. Ana Hospital sa Maynila, na accredited ng Philhealth, ang dalawang manggagawang pangkalusugan habang patuloy ang kanilang operasyon kontra COVID-19.
The STAR/Miguel de Guzman, File

MANILA, Philippines — Pinangangambahang itigil muna ang ilang serbisyo at benefit packages ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa susunod na apat na araw bunsod ng mga deficit sa gitian ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Aniya, nangyari ito simula nang magsara ang maraming negosyo dahil sa takot sa virus, bagay na nagtigil sa koleksyon ng premiums.

Tinatayang mawawalan nang P100 bilyong pondo ang Philhealth hanggang 2024 dahil sa mas mababang koleksyon, ayon kay Philhealth president Ricardo Morales.

"Aside from praying, what we can do is try to identify which benefits we can suspend temporarily," wika ni Morales sa panayam ng ANC, Biyernes.

"'Yung mga life saving like 'yung mga dialysis and the other treatments that are life supporting, we cannot stop that."

Hindi pa nila tukoy kung anu-anong serbisyo ang ipagpapaliban, pero ilan sa mga tinitignan ngayon ay ang ilang transplant procedure.

Ang problema, apektado ng napipintong suspension pati yaong mga kumpleto ang bayad sa Philhealth. Namemeligro rin sa ngayon kung magkakaroon ng sapat na pondo para sa pagpapatupad ng universal healthcare law

Ika-15 ng Mayo nang pormal na itigil ng Philhealth ang libreng gamutan para sa lahat ng COVID-19 cases, dahilan para maglabas na sila ng mga case rates.

Bago ang petsahang 'yan, sinasalo ng ahensya ang kabuuang bayad ng mga naaadmit kaugnay ng pathogen, kahit na umabot nang milyon ang billing.

Sa ngayon, pinakamatindi raw ang tama ng COVID-19 sa sektor ng kalusugan, lalo na ang pribadong sektor.

"People are avoiding hospitals. So there is a drop in their admissions... Talagang the impact of the COVID-19 cannot be underestimated. It is most heavily felt in the health sector," dagdag pa niya. — James Relativo

BENEFITS

HEALTH SECTOR

NOVEL CORONAVIRUS

PHILHEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with