^

Bansa

15 MRT depot workers COVID-19 positive, pero operasyon ng tren tuloy

James Relativo - Philstar.com
15 MRT depot workers COVID-19 positive, pero operasyon ng tren tuloy
Kuha ng bagon ng MRT-3 sa bandang EDSA Reliance, Mandaluyong habang naghahanda ang Metro Manila Sa general community quarantine (GCQ) noong Mayo
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Manila Metro Rail Transit System (MRT) line 3 na tuloy pa rin ang operasyon ng kanilang linya kahit nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang ilan nilang manggagawa kamakailan.

Sa ulat kasi ng Department of Transportation (DOTr)-MRT-3, Huwebes, kinumpirma ang pagpositibo ng 15 manggagawa ng Sumitomo-MHI-TESPI, ang maintenance provider ng linya.

"Regular operations po ang MRT3. Opo, PCR test [ang isinagawa sa kanila]," sabi ni Michael Capati, director ng MRT-3, sa panayam ng PSN.

Ayon naman kay Godess Hope Libiran, Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs ng DOTr, mga manggagawa naman sa depot at hindi sa istasyon ang mga nagpositibo sa COVID-19.

Bilang pag-iingat, lahat ng MRT-3 at Sumitomo-MHI-TESPI depot personnel ay dadaan sa rapid testing na isasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG). Lahat ng magpopositibo sa rapid testing ay dadaan sa RT-PCR confirmatory testing at idaraan sa self-quarantine habang inaantay ang resulta ng confirmatory test.

"We have been conducting disinfection in the depot, at stations, and in trains. We will continue to implement these and other measures to contain the spread of the virus in our workplace, stations, and trains," sabi pa ni Capati sa hiwalay na pahayag.

"We have the best interest of our passengers and employees at heart. We want to immediately address the situation to prevent more people from contracting the disease."

Huling gumawa ng depot-wide disinfection nitong Lunes, bagay na kanila namang uulitin.

 

 

Nitong ika-14 ng Hunyo lang nang may magpositibo ang isa pang empleyado ng Sumitomo-MHI-TESPI. Ika-8 ng Hunyo nang huling mag-report sa opisina ang nasabing kawani.

Nagsagawa na ng contact tracing sa nasabing manggagawa at nakapagtukoy ng 32 depot personnel na nakasalamuha ng empleyado. Patuloy pa rin naman ang contact tracing sa 14 iba pang positibo sa sakit, pinag-self quarantine at daraan sa RT-PCR testing bago bumalik trabaho.

Matatandaang kamakailan lang bumalik ang operasyon ng MRT-3, LRT-1, LRT-2 at Philippine National Railways (PNR) matapos suspendihin ang pampublikong transportasyon.

Kasalukuyang limitado pa rin ang mga pasaherong pinasasakay sa mga nasabing tren at nagsasagawa ng physical distancing upang maiwasan ang hawaan ng sakit.

MRT-3

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with