^

Bansa

2 sa inarestong 'Piston 6' nagpositibo sa COVID-19 — Caloocan congressman

Philstar.com
2 sa inarestong 'Piston 6' nagpositibo sa COVID-19 — Caloocan congressman
Litrato ng mga tusper ng PISTON na inaresto kaugnay ng isang kilos-protesta sa Lungsod ng Caloocan
The STAR/Marc Jayson Cayabyab

MANILA, Philippines (Update 1, 11:25 a.m.) — Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawa sa militanteng jeepney drivers na na inaresto ng pulis dahil diumano sa "pagsuway sa pulis," ulat ni Caloocan Rep. Edgar Erice, Huwebes.

Matatandaang ikinalaboso ang anim matapos magprotesta para payagang makapanumbalik sa pamamasada ang mga jeep ngayong general community quarantine (GCQ) na sa Metro Manila. Wala kasing mapagkakitaan ang mga tsuper simula ng lockdown.

Sa panayam ng PSN kay Piston president Mody Floranda, sinabi niyang 'di pa nila nahahawakan ang resultang binabanggit ni Erice.

"Inaantay pa po namin 'yung resulta ng kanilang testing. Wala pa po kami hawak na resulta," wika ng Piston leader. "Kapag dumating po ay ipapaabot namin sa inyo."

Basahin: 4 sa 6 na Piston members na kulong sa 'anti-jeep ban' protest laya sa piyansa

Hindi isinapubliko ng report ng STAR kung sino ang dalawang jeepney driver na positibo. Gayunpaman, negatibo sa COVID-19 si Elmer Cordero, na 72-anyos nang arestuhin.

Kasamang nakulong ni Cordero sina Wilson Ramilla, Ramon Paloma, Severino Ramos atbp.

May kaugnayan: Tatay Elmer, Wilson of 'Piston 6' walk free after week in detention

Ayon sa mga pag-aaral, mas peligroso ang COVID-19 para sa mga may edad na.

Nananawagan ngayon si Erice na Caloocan police na i-disinfect ang custodial center kung saan ipiniit ang mga tsuper, at hinimok ang mga otoridad na i-test para sa nakamamatay na virus ang mga preso.

Sa ngayon, itinatanggi naman ng hepe ng Caloocan Police na si Col. Dario Menor na nakuha ng mga positive patients ang COVID-19 sa siksikang kulungan. 

'Di tulad ng mga ibang pampublikong transportatsyon, "banned" pa rin pumasada ang mga jeepney sa gitna ng pandemic, dahilan para mamalimos na ang ilang driver para umagapay sa araw-araw.

Record-high din ang kawalang trabaho nitong Abril 2020 sa gitna ng mga lockdown, matapos nitong pumalo sa 17.17%, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), na katumbas ng 7.3 milyong Pinoy. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Marc Jayson Cayabyab

GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

JEEPNEY

NOVEL CORONAVIRUS

PISTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with