‘Dexamethasone’ steroid hindi pa kumpirmadong lunas sa COVID-19

Ito ay makaraan ang ulat na sinasabi ng mga British researchers na nadiskubreng malaki ang naitulong ng naturang gamot sa paggaling ng higit sa 30% ng mga pasyente na may COVID.
AFP/Arman Soldin

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) na hindi pa kumpirmadong lunas laban sa COVID-19 ang ‘Dexamethasone’ na isang uri ng steroid.

Ito ay makaraan ang ulat na sinasabi ng mga British researchers na nadiskubreng malaki ang naitulong ng naturang gamot sa paggaling ng higit sa 30% ng mga pasyente na may COVID.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi isang ‘magic pill’ ang ‘Dexamethasone’ na hindi ka na tatablan ng virus o agad na gagaling kapag ginamit ito.
“People might think that this is the ‘magic pill’ para sa CO-VID-19. It is not. Hindi ito gamot na ‘pag ininom, mawawala ang COVID-19 o ‘pag ininom mo ito, hindi ka magkaka-COVID,” ayon kay Vergeire, sa isang online media forum.

Nabatid na ang ‘Dexame-thasone’ ay isang mura at madaling mabili na uri ng steroid.

Sinabi ng DOH na isang ‘supportive treatment’ lamang ito at kailangan pa rin na suriing mabuti ang ginawang pag-aaral ng ibang mga eksperto hanggang sa mapatunayan ang kakayahan nito sa pagsug­po sa virus.

Related video:

Show comments