^

Bansa

Pasig, Marikina LGUs nanguna sa COVID-19 response survey sa NCR

James Relativo - Philstar.com
Pasig, Marikina LGUs nanguna sa COVID-19 response survey sa NCR
Makikita sa mga larawang ito sina Pasig City Mayor Vico Sotto (kaliwa) at Marikina City Mayor Marcy Teodoro
Mula sa Facebook ni Vico Sotto at Marikina Public Information Office

MANILA, Philippines — Dalawang lungsod sa silangang bahagi ng National Capital Region (NCR) ang namayagpag sa isang survey pagdating sa husay sa pagtugon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, ayon sa pag-aaral ng isang research group na inilabas, Martes.

Sa survey ng RLR Research and Analysis na ginawa mula ika-14 ng Mayo hanggang ika-2 ng Hunyo, nakakuha nang 97% satisfaction rating si Pasig City Mayor Vico Sotto habang 95% naman si Marikina City Mayor Marcy Teodoro pagdating sa kanilang tugon sa COVID crisis.

Isinagawa ang pag-aaral  sa 17 lungsod at munisipalidad na bumubuo sa buong Metro Manila, na itinuturing ng Palasyo bilang "epicenter" ng virus.

"Results are based from satisfaction ratings of respondents residing in the respective cities and municipality that form the total sample size of... 1,275," sabi ng RLR Research and Analysis.

Sinasabing mayroong ± 2.7 error margin ang pag-aaral. Humihingi pa ng detalye ang PSN nang karagdagang detalye sa pag-aaral upang alamin kung commissioned survey ito o hindi.

Narito ang kabuuang talaan na inilabas ng grupo:

  • Pasig Mayor Victor Ma. Regis "Vico" Sotto  — (97%)
  • Marikina Mayor Marcelino "Marcy" Teodoro — (95%)
  • Pateros Mayor Miguel "Ike" Ponce III — (94%)
  • Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso — (92%)
  • Valenzuela Citry Mayor Rexlon "Rex" Gatchalian — (92%)
  • Mandaluyong Mayor Carmelita "Menchie" Abalos — (90%)
  • Muntinlupa Mayor Jaime "Jimmy" Frednedi — (84%)
  • San Juan City Mayor Francisco Javier "Francis" Zamora — (83%)
  • Caloocan Mayor Oscar "Oca" Malapitan — (82%)
  • Taguig Mayor Lino Edgardo "Lino" Cayetano — (78%)
  • Navotas Mayor Tobias "Toby" Tiangco — (70%)
  • Paranaque City Mayor Edwin Olivarez — (70%)
  • Makati Mayor Mar-len Abigail "Abby" Binay-Campos — (69%)
  • Pasay Mayor Imelda "Emi" Calixto-Rubiano — (68%)
  • Malabon City Mayor Antolin "Lenlen" Oreta III — (52%)
  • Quezon City Mayor Maria Josefina Tanya "Joy" Belmonte-Alimurong — (47%)
  • Las Pinas Mayor Imelda "Mel" Aguilar — (46%)

Una nang umani ng papuri ang pagsusumikap ng Pasig at Marikina pagdating sa pagtugon sa COVID-19.

Ilan na rito ang "mobile palengke" nina Sotto kontra mass gathering sa mga talipapa at pamimigay ng ayuda a jeepney drivers na nawalan ng trabaho habang lockdown.

Bagama't birthday ngayon ng Pasig mayor, pinaalalahanan din ni Sotto ang mga nagpa-planong manorpresa sa kanya ala-"mañanita" na 'wag na itong gawin, dahil baka magkahawaan pa ng COVID-19. Hinikayat na lang niyang mamigay ng grocery packs para sa mga nangangailangan ang mga gustong magregalo sa kanya.

Nakipagkasundo rin si Sotto sa isang food delivery company nitong Mayo para mabigyan ng trabaho ang mahigit 500 tricycle drivers na walang kinikita noong lockdown.

Ika-30 ng Abril naman nang aprubahan nang aprubahan ng  Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang molecular diagnostic laboratory ng Marikina, na pinakauna sa lahat ng mga local government units sa Pilipinas.

Marikina rin ang nagtala ng may pinakamababang transmission ng COVID-19 sa lahat ng lungsod sa Metro Manila, habang nagtalaga din sa lungsod ng mga "nagsasalita" at lumilipad na drone na kumukuha ng temperatura ng mga residente.

Bagama't sinasabing nasa Metro Manila ang "epicenter" ng nakamamatay na virus, Cebu City sa Visayas ang may pinakamalaking bilang ng COVID-19 sa buong Pilipinas sa bilang na 2,905 noong Martes.

Umabot na sa 27,238 ang tinatamaan ng kinatatakutang sakit sa bansa, ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH). Sa bilang na 'yan, 1,108 na ang namamatay. — may mga ulat mula sa ONE News

MARCY TEODORO

MARIKINA CITY

NATIONAL CAPITAL REGION

NOVEL CORONAVIRUS

PASIG CITY

SURVEY

VICO SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with