^

Bansa

Kaso ng COVID-19 sa bansa lampas 27,000 na, global cases halos 8-M

James Relativo - Philstar.com
Kaso ng COVID-19 sa bansa lampas 27,000 na, global cases halos 8-M
Nakasuot ng personal protective equipment ang manggagawang ito habang dini-disinfect ang isang opisina sa city hall ng Maynila sa ika-15 ng Hunyo, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines (Updated 5:21 p.m.) — Muling nadagdagan ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa Pilipinas, ayon sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), Miyerkules.

Sa talaan ng ahensya, nadagdagan pa nang 457 ang kumpirmadong kaso, dahilan para umakyat na ito sa 27,238.

Nanggaling 'yan mula sa 342 "fresh" cases at 115 "late" cases na lumabas sa nakaraang tatlong araw at apat na araw pataas.

Nasa 1,108 naman na ang kabuuang bilang ng namamatay sa ngayon kaugnay ng sakit — mas mataas nang lima kumpara sa naitala kahapon.

Umigi naman ang kalayagan ng 268 pang kumpirmadong pasyente, na nag-aakyat sa total COVID recoveries sa 6,820.

Imbestigasyon kay Duque

Inilabas ang mga panibagong datos matapos sabihin ng Office of the Ombudsman na sisilipin nila ang pananagutan ni Health Secretary Francisco Duque III at iba pang DOH officials sa paglala ng pandemya sa Pilipinas.

Nagpatayo na ng dalawang investigating teams si Marties upang imbestigahan ang mga sumusunod na isyu:

  • "mabagal" na pagkuha ng personal protective equipment para sa mga manggagawang pangkalusugan
  • mga diumano'y iregularidad na nagresulta sa pagkamatay ng health workers mula sa pagtaas ng hawaan sa mga frontliners
  • "kawalan ng aksyon" sa paglalabas at pagproproseso ng mga compensation para sa mga health workers na nagkaroon ng malubhang COVID-19 at namatay
  • "nakalilito" at mabagal na paglabas ng COVID-19 deaths at cases

Sinagot naman na ng DOH ang nasabing isyu sa isang pahayag ngayong hapon.

"The Department of Health welcomes the investigation and will comply with all directives from Office of Ombudsman," tugon ng DOH.

"The DOH has been transparent in the COVID-19 response, including procurement transactions and the privision of benefits to healthcare workers."

Iginiit din ng DOH na nailabas na nila sa lahat ng 32 namatay na healthcare workers ang kani-kanilang cheke, maliban pa sa 19 severe COVID-19 patients na gumaling noong ika-9 ng Hunyo.

Ika-26 ng Mayo nang paimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga isyu hinggil sa pagkuha ng mga PPE, machines at mga test kits. Malugod naman daw na makikipagtulungan ang mga opisyales ng DOH kaugnay ng mga ibinabato sa kanila.

"[T]he Department has likewise religiously informed the public for corrections and clarifications raised by all sectorsm as it continues to validate all submitted data," dagdag pa nila.

Kahapon lang nang madaling araw nang ianunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque ang pagpapalawig ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, habang ibinalik naman ang mahihigpit na lockdown sa Lungsod ng Cebu bilang tugon sa nakamamatay na virus.

Ilalagay naman din sa mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) ang dalawang lugar sa baranggay Lower Bicutan sa Taguig mula ika-17 ng Hunyo hanggang ika-1 ng Hulyo.

Pumalo na sa 7.9 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa World Health Organization. Sa bilang na ito, 434,796 na ang namamatay.

Related video:

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with