Young volunteers kailangan ng simbahan

“We need more volunteers now since there are new ministries to be created or strengthened because of our situation,” ani Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.
Manila Cathedral/Jason Molinas

MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng mga simbahan sa mga mananampalataya, naghahanap sila ng mga batang volunteer na makakatulong sa religious services ngayong panahon ng pandemya.

“We need more volunteers now since there are new ministries to be created or strengthened because of our situation,” ani Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo.

Anya, makakatuwang nila ang mga batang volunteers sa pagbibigay ng communion sa mga maysakit at matatanda na pupuntahan na lang malapit sa kanilang mga tahanan.

Gayundin ang pangangasiwa para sa physical distancing at disinfection ng mga simbahan.

Umapela rin siya sa elderly volunteers na sila na ang mag-recruit ng isa o dalawang young volunteers na papalit sa kanila.

Habang patuloy pa ang pagkalat ng virus, hinikayat ni Pabillo ang mga matatanda na itinuturing na pinaka-vulnerable sa sakit na huwag nang dumalo sa banal na misa at sa halip ay vital service na maaring gawin tulad ng manalangin sa tahanan dahil indispensable o kailangang-kailangan ito ngayon ng simbahan.

Show comments