Mandanas, re-elected bilang RDComm chairperson ng Luzon
MANILA, Philippines — Muling nahalal na chairperson ng Luzon Regional Development Committee (RDComm) si Batangas Governor Hermilando I. Mandanas habang si Bataan Governor Albert Raymond S. Garcia ay itinalagang co-Chairperson sa naganap na meeting noong Hunyo 2, 2020 sa pamamagitan ng video conference.
Dumalo sa pagpupulong ang mga chairperson ng iba’t ibang Regional Development Councils (RDC) na matatagpuan sa Luzon, kabilang sina Mayor Juan Carlo S. Medina ng RDC I o Ilocos Region, Gov. Albert Raymond S. Garcia ng RDC III o Central Luzon, Gov. Mandanas ng RDC IV-A o CALABARZON, Gov. Jose R. Riano ng RDC IV-B o MIMAROPA, at Mayor Noel E. Rosal ng RDC V o Bicol Region. Nakiisa rin sa teleconference si MMDA Chairperson Danilo D. Lim.
Ipinahayag ni Gov. Mandanas ang kanyang pasasalamat sa kanyang pangalawang termino bilang chairperson ng Luzon RDComm, na tinalakay ang tungkol sa COVID-19 pandemic, agrikultura, local autonomy at iba pang priority agenda para sa 2020 hanggang 2022.
- Latest