Zambales, ilang bahagi ng Pangasinan signal no. 1 dahil sa bagyong 'Butchoy'
MANILA, Philippines — Nakataas ang tropical cyclone wind signal (TCWS) no. 1 sa ilang bahagi ng kanluran ng bansa, habang papalabas ng kalupaan ng Pilipinas, Biyernes.
Sa ulat ng PAGASA ngayong umaga, natagpuan ang mata ng Tropical Depression Butchoy 50 kilometro kanluran ng Iba, Zambales bandang 7:00 a.m.
May lakas itong hanggang 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso ng hanging papalo hanggang 70 kilometro kada oras.
Ang ikalawang bagyo na pumasok sa Philippine area of responsibility ay kumikilos pa-gawing kanluran hilagangkanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Sa ngayon, signal no. 1 pa rin sa:
- Zambales
- kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani, Agno, Alaminos City, Burgos, Dasol, Mabini, Sual, Labrador, Infanta)
"Areas under Tropical Cyclone Wind Signal #1, Visayas, Southern Luzon and the western portion of Mindanao may experience occasional gusts associated with the tropical depression and the Southwest Monsoon," ayon sa ulat ng PAGASA.
Ngayong araw, makararanas ng mga katamtaman hanggang malalakas na may minsanang matitinding pag-ulan sa Zambales, Bataan, Pampanga, ilang bahagi ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands at Occidental Mindoro.
Mahihina hanggang katamtaman na paminsan-minsang malalakas na pag-ulan naman ang matitikman ng Visayas, Caraga, Davao Region at nalalaging bahagi ng Luzon.
Bukas, ineestimang wala na sa PAR ang sama nang panahon at matatagpuan 425 kilometro silangan ng SInait, Ilocosa Sur.
Huwebes nang 5:30 p.m. nang unang mag-landfall ang bagyo sa Polilo, Quezon at muling sumalpok sa kalupaan ng Infanta, Quezon 6:00 p.m.
- Latest