Dine-in pwede na sa GCQ simula June 15

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, limi­tado lamang sa 30% capacity ang puwedeng gamitin ng mga restoran, kumpara sa 50% sa mga lugar na nasa modified general community quarantine.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Papayagan na si­mula sa June 15 ang dine-in sa mga restaurant sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, limi­tado lamang sa 30% capacity ang puwedeng gamitin ng mga restoran, kumpara sa 50% sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ).

Sabi ni Lopez, noong isang linggo pa sila nagbigay ng health protocols at guidelines sa mga restoran para makapaghanda bago muling payagan ang dine-in.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng 1.5 metro na pagitan ng mga mesa, paglalagay ng acrylic o glass divi­ders sa mga custo­mers, cashless o no-contact payment, pagpa­panatili sa kalinisan ng mga staff at customers sa pamamagitan ng mga handwashing at sanitation area.

Inulit naman ni Lopez na ipinagbabawal pa rin ang mga buffet. 

Ayon kay Lopez, magsasagawa sila ng random inspection at agad ipapasara ang mga hindi sumusunod sa health protocols.

Show comments