MANILA, Philippines (Update 1, 6:05 p.m.) — Nagrehistro uli nang mas maraming coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa habang nasa gitna ng pandemya, ayon sa huling ulat ng Department of Health, Miyerkules.
Sa taya ng gobyerno, pumalo na sa 23,732 ang tinatamaan ng nakamamatay na virus sa Pilipinas — mas marami nang 740 kumpara kahapon.
Galing sa 'yan sa pinaghalong 452 "fresh" at 288 "late" cases ang mga panibagong kaso, na tumutukoy sa mga resultang lumabas sa nakalipas na tatlong araw at lampas apat na araw.
Idinagdag sa talaan ng DOH ang mga newer cases batay sa mga laboratory submissions kahapon, bagay na na-validate ngayong hapon: "91 ay galing sa National Capital Region, ang 83 ay galing sa Region 7, at 277 ay galing naman sa iba't ibang rehiyon sa bansa. Ang isa naman ay repatriate," sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sa 17,239 aktibong kaso noong Martes, tinatayang pinakamarami pa rin ang mga "mild" sa ngayon:
- 816 asymptomatic (4.7%)
- 16,340 mild (94.8%)
- 64 severe (0.4%)
- critical (0.1%)
Nasawi naman ang 10 pang kaso, dahilan para tumuntong na sa 1,027 ang kabuuang death toll kaugnay ng sakit sa bansa.
Samantala, nag-recover naman sa virus ang karagdagang 159 kaso. Sumatutal, 4,895 na ang gumagaling mula rito simula nang pumasok ang contagion na unang lumabas sa Wuhan, China noong Disyembre.
Lampas 7 milyon na ang tinatamaan ng sakit sa buong mundo, habang 404,396 sa kanila ang namatay na, saad ng World Health Organization.
Related video: