‘Holy alcohol’ vs COVID, itinanggi ng simbahan

Nag-ugat ito nang tanggalin ng mga taga-simbahan ang Holy water sa mga entrada na bahagi ng pag-iingat sa pagkalat ng virus. Ngunit hindi umano totoo na pinalitan nila ito ng ‘Holy alcohol’.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang ulat sa ‘Holy alcohol’ sa mga simbahan na tinawag nilang isang uri ng fake news.

Sinabi ng Archdiocese of San Fernando sa Pampanga na hindi totoong naglalagay sila ng tinatawag na ‘Holy alcohol’ na sinabing panlaban umano sa coronavirus disease (COVID-19).

Nag-ugat ito nang tanggalin ng mga taga-simbahan ang Holy water sa mga entrada na bahagi ng pag-iingat sa pagkalat ng virus.  Ngunit hindi umano totoo na pinalitan nila ito ng ‘Holy alcohol’.

“There is no sacramental holy alcohol that we should make the sign of the cross with when we rub it to ourselves,” ayon sa CBCP. “Moreover, it should not be sprinkled on the faithful.”

Maaari umano na ginagamit lamang ito na istratehiya para makabenta ng mga nag-o-online selling.

Bukod dito, hindi rin umano totoo ang holy face mask, holy face shield, holy sanitizer, holy goggles at holy PPEs na maaaring sumakay sa naturang gimik.

Show comments