Mga bata dumaranas ng ‘cabin fever’, payagan nang lumabas

MANILA, Philippines — MANILA, Philippines —Nanawagan si ACT-CIS party-list Rep. Nina Taduran sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emer­ging Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan na ang mga bata na lumabas sa kanilang bahay upang makapagpainit sa araw at makapag-ehersisyo.

Ayon kay Rep. Taduran, dumaranas na ng “cabin fever” o pagkaburyong ang mga bata matapos ang halos tatlong buwang pagkakakulong sa kanilang mga bahay dulot ng COVID-19.

“Children need sun exposure for Vitamin D and stronger immune system. Although they have their gadgets to play at home, children are happier when they can walk, run and ride their bikes outside.  the psychological development and well-being of a locked up child is not healthy,” giit ni Taduran.

Pero binigyan diin nito na dapat palaging nakasuot ng face mask, lumalayo sa ibang tao ang mga bata, at dapat may nagbabantay ding matanda sa mga ito.

Bukod sa ehersisyo at paglalaro, payagan din ang mga bata kasama ang kanilang magulang o tagabantay para sa mga importanteng bagay tulad ng konsultasyon sa kanilang pediatrician at pagbabakuna, gayundin ang pagpapasukat ng salamin lalo’t isasagawa na ang online classes.

Tinukoy pa nito ang naging pahayag ni Dr. Kellyn Conde Sy, Molecular Biology at Biotechnology graduate ng University of the Philippines, na ang lockdown ay maaaring magbunsod ng matinding kalungkutan sa mga bata at ang pagkawala ng kakayahan na makatugon agad sa mga hamon ng buhay. Kaya hinimok ni Taduran ang IATF-EID na maglabas ng isang patakaran, katulad na lamang nang paglimita sa oras nang paglabas ng mga kabataan sa kanilang bahay para maiwasan pa ring mahawa sa COVID-19.

Show comments