MANILA, Philippines (Update 1, 5:23 p.m.) — Walang-humpay pa rin ang pagdagdag ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH), Martes.
Ayon sa pahayag ng DOH, umabot sumipa na sa 22,992 ang bilang ng kumpirmadong infections sa bansa, matapos itong madagdagan nang 518.
Nagmula ang mga 'yan sa "fresh cases" at "late cases" ng sakit, na tumutukoy sa mga kasong inilabas nitong nakaraang tatlong araw at apat na araw pataas.
"Meron na po tayong 280 fresh cases na nadagdag sa ating talaan, kung saan 82 ay galing sa [Central Visayas], 61 ay galing sa National Capital Region, 115 naman po ay galing sa iba't ibang rehiyon ng ating bansa, at 22 ay repatriates," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing.
Ang 238 namang late cases ay ngayon lang nai-validate ng DOH sa dahilang ngayon lang ito naisumite ng laboratoryo. Kalakhan dito ay mula sa pinagsama-samang rehiyon sa bansa labas sa NCR at Central Visayas.
Patay naman sa virus ang anim na iba pa, dahilan para mapanatag ang death toll sa 1,071.
Samantala, mas marami namang gumaling sa COVID-19 matapos tumuntong sa 4,736 ang recoveries. Lamang ito nang 99 kumpara sa naitala ng gobyerno kahapon.
Sa huling estima ng World Health Organization (WHO), 6.39 milyon na ang kumpirmadong dinadapuan ng sakit sa buong mundo. Sa bilang na 'yan, 400 na ang namamatay.
"Almost 7 million cases of COVID-19 have now been reported to WHO, and almost 400,000 deaths. Although the situation in Europe is improving, globally it is worsening," sabi ni Tedros Adhanom.
"More than 100,000 cases have been reported on 9 of the past 10 days. Yesterday, more than 136,000 cases were reported, the most in a single day so far."
Sa mga panibagong kaso, sinasabing 7% ang na-diagnose mula sa 10 bansa. Kalakhan dito ay mula sa Americas at South Asia.
Maliban diyan, nakararanas pa rin nang pagsirit nang mga kaso ang rehiyon ng Africa. Ang ilan diyan, nakita sa mga "bagong geographic areas." Sa kabila niyan, karamihan daw doon ay mas mababa pa sa 1,000 ang kaso.