MANILA, Philippines — Humihingi pa rin nang hustisiya ang ilang grupo ng mangingisda isang taon matapos mangyari ang kontrobersiyal na "Recto Bank incident," na nagpahamak sa buhay ng mga Pilipinong mangingisda sa laot ng pinag-aagawang West Philippine Sea.
Ika-9 ng Hunyo, 2019 nang banggain, palubugin at abandonahin sa laot ng bangkang Tsino ang F/B GEM-VER1 — bagay na naglaman nang 22 mangingisdang Pinoy.
Madaling araw nang iwan silang palutang-lutang sa gitna nang dagat, hanggang sa saklolohan ng ilang mangingisdang Vietnamese.
"Eksakto isang taon matapos isapeligro ng mga Tsino ang buhay ng ating mga mangingisda, wala pang napapanagot kahit na isang may sala," sabi ni Fernando Hicap, tagapangulo ng PAMALAKAYA, sa isang pahayag sa Inggles.
"Hindi nakabalik sa normal ang buhay ng 22 mangingisda simula noon. Ang malala pa, nasa territorial waters pa rin natin ang Tsina at nananakot ng mga Pilipinong mangingisda."
LOOK: Fishing families demand justice not only for the 22 fishermen, whose livelihood didn’t return to normal since the hit-and-run incident, but to all thee Filipino fishers affected by Chinese aggression of West Philippine Sea. #ChinaLayas pic.twitter.com/1bp8QTImEj
— Pamalakaya Pilipinas (@pama_pil) June 9, 2020
Una nang humingi ng tawad dito ang Chinese owner ng barko, na tukoy na bilang Yuemaobinyu 42212. Aniya, ginusto namang iligtas ng mga Tsino ang mga Pinoy ngunit "natakot" diumanong sugurin nang iba pang bangkang Pilipino sa lugar.
Ni-request na ang panig ng Pilipinas na umapela ng danyos perwisyos pagdating sa napinsala. Humingi na rin daw nang tawad sa insidente ang isang fisheries official ng Tsina, ayon kay Philippine Ambassador to Beijing Chito Sta. Romana.
Pero ayon sa PAMALAKAYA, P2 milyon ang ginastos ng may ari ng barko para mapaayos ito, ngunit tuluyang nasira nang tamaan ng bagyong Ursula ang isla noong Disyembre.
Alinsunod sa Permanent Court of Arbitration noong 2016, ang Recto Bank (na kilala rin sa tawag na Reed Bank), ay nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Sang-ayon sa Article XII, Section 2 ng 1987 Constitution, Pilipinas lang ang may karapatan sa nasabing lugar.
"The State shall protect the nation’s marine wealth in its archipelagic waters, territorial sea, and exclusive economic zone, and reserve its use and enjoyment exclusively to Filipino citizens."
Gayunpaman, matatandaang sinabi ng Chinese Embassy na nangingisda (purse seine operation) ang mga Tsinong nakasakay sa Yuemaobiny 42212 nang mangyari ang insidente.
LOOK: Screenshot, taken around 11 p.m. on Friday, of the deleted press release posted on the Facebook page of the Chinese Embassy in Manila. @PhilippineStar pic.twitter.com/cYBxCUnR5y
— Janvic Mateo (@jvrmateoSTAR) June 14, 2019
Bagama't nag-aagawan sa teritoryo ang Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea, kilalang magkalapit sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping. Ang dalawang bansa ay may mga kasunduan, gaya nang mga pautang at infrastructure project, sa ngayon.
'Duterte dapat mapanagot'
Dahil sa mga nailatag na kadahilanan, sinasabi ngayon ng PAMALAKAYA na dapat mapanagot kaugnay nito si Duterte, lalo na't "pagtataksil sa mga Pilipinong mangingisda at pagtataksil sa pambansang soberanya" ito.
Wika ni Hicap, kahit pinagsasamantalahan ngayon ng Tsina ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic para itulak ang agenda sa West Philippine Sea, tahimik pa rin daw ang presidente sa panghihimasok.
Pebrero nang maiulat ang pagtatayo ng "communications facilities" ang Tsina sa Kagitingan (Fiery Cross) reef, habang patuloy naman ang pagpasok ng Tsina sa military bases nito sa Panganiban (Mischief) at Zamora (Subi), na inaangkin din ng Maynila.
"Ang katahimikan ni presdente Duterte sa panggigipit ng Tsina sa ating mga katubigan ay kriminal na pagpapabaya sa ating pambansang soberanya at patrimonya. Bigo itong protektahan ang Filipino fisherfolk sa bullying at harassment ng gma Tsino," patuloy ni Hicap.
Abril lang nang maghain ng dalawang diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs laban sa Tsina matapos tutukan ng "radar gun" ang isang Philippine Navy ship. Idineklara rin ng nasabing Asian giant ang Paracel at Spratly Islands, na inaangkin ng Pilipinas, bilang bahagi ng Hainan province ng Tsina.
Kinastigo rin ng Advocates of Science and Technology for the People (AGAHAM) ang patuloy na aktibidad ng Tsina sa West Philippine Sea, at sinabing "inilalagay nito sa panganib ang food security at marine environment ng bansa."