^

Bansa

Cong. Yap pinagpapahinga muna ng mga doktor

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Cong. Yap pinagpapahinga muna ng mga doktor
Sabi ni Kevin See, chief of staff ni ACT-CIS Cong. Eric Go Yap, bago pa mag-lockdown noong March 15, araw-araw pumapasok sa Kongreso ang bagitong lawmaker para ipasa ng kanyang komite ang P270 billion na Social Amelioration Cash ng DSWD.
Facebook / Cong. Eric Go Yap

MANILA, Philippines — Pinagpahinga muna ng doktor si ACT-CIS Cong. Eric Go Yap matapos isugod sa Benguet General Hospital noong Sabado ng madaling araw nang biglang manghina.

“Overworked at pag-aalala” ang biglaang panghihina ng mambabatas, ayon sa mga doktor.

Sabi ni Kevin See, chief of staff ni Cong. Yap, bago pa mag-lockdown noong March 15, araw-araw pumapasok sa Kongreso ang bagitong lawmaker para ipasa ng kanyang komite ang P270 billion na Social Amelioration Cash ng DSWD.

Si Yap ang chairman ng House Committee on Appropriations.

“At nung nag-lockdown na, panay naman ang meeting niya sa Malacañang at DBM para pag-usapan kung saan pa maaaring kumuha ng pondo ang gobyerno para sa Covid-19,” ani See.

“Lingid sa kaalaman ng karamihan, umaakyat kami ni Cong. Eric sa Benguet halos every Friday noong March, April at May para maghatid ng food supplies sa mga taga-Benguet sa kagsagsagan ng Covid pandemic,” ani See.

Si Yap ang ginawang caretaker ng lone district ng Benguet ng kongreso matapos ang biglaang pagpanaw noong Disyembre 2019 ng representante nito na si Cong. Nestor Fongwan.

Naging abala rin si Yap sa pagdalo sa franchise hearing ng ABS-CBN at Anti-Terror Bill.

ERIC GO YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with