^

Bansa

'Anti-terror bill' lusot sa ika-3 pagbasa ng Kamara, pirma ni Duterte hinihintay

James Relativo - Philstar.com
'Anti-terror bill' lusot sa ika-3 pagbasa ng Kamara, pirma ni Duterte hinihintay
Nakasulat sa face mask ng raliyistang ito ang kanyang pagtutol sa anti-terror bill, habang ipinanawagan din ang pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte, ika-3 ng Hunyo, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines (Update 1, 7:14 p.m.) — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang kontrobersyal na anti-terror bill, bagay na pinangangambahang tatapak karapatang pantao nang marami.

Sa botong 173 affirmative, 31 negative at 29 abstentions, tuluyan nang naipasa ang panukalang batas.

Ilan sa mga tinututulang probisyon nito ng mga kritiko ay ang aniya'y "malawak" na depenisyon ng terorismo, pagpapahintulot sa 14 hanggang 24 araw na pagkakakulong kahit walang warrant at 60 hanggang 90 araw na surveillance.

Una nang naipasa ang counterpart nitong panukala sa Senado sa katauhan ng Senate Bill 1093, na layong palitan ang Human Security Act of 2007.

Karaniwang nagsasagawa ng Bicameral Conference Committee upang pagtagpuin ang mga pagkakaiba ng Senate at House versions ng isang panukala. Gayunpaman, pareho ang nilalaman ng anti-terrorism bill sa dalawang saray ng lehislatura matapos angkupin ng Kamara ang naunang bersyon ng Mataas na Kapulungan.

Dahil dito, ipi-print ang pinal na bersyon nito at ipadadala kay Pangulong Rodrigo Duterte upang malagdaan at tuluyang maging batas. Bagama't maaari itong i-veto ng presidente, matatandaang sinertipikahan niya itong "urgent."

Mariin namang tinutulan ni Minority Leader Bienvenido Abante (Manil) ang pagpapasa ng nasabing panukala, sa dahilang hindi man lang daw nagkaroon ng deliberasyon para magbalangkas ng sariling bersyon.

"I vote no to Senate Bill No. 1083. Bakit ko nabanggit 'yung Senate bill? Eh kasi naman, 'yung ating House Bill 6875 ay kinopya nang buong-buo sa Senate Bill 1083," ani Abante.

"The House of Representatives, with all the brilliant minds... more than 300 of them... laban sa 23 mga senador, simply adopted the Senate version of the Anti-Terror Bill, and didn't even see it fit to deliberate and formulate its own version."

Aniya, nawalan daw nang saysay ang "check and balance," na siyang dahilan kung bakit may dalawang chamber ang Konggreso. Ipinakikita lang daw nito sa buong bayan na ang Kamara ay "tamang tawaging Mababang Kapulungan," kaysa "larger House."

Malinaw na diktadura'

Kinastigo naman nang husto ng mga human rights group ang desisyon ng Kamara, na nagpapakita diumano ng malinaw na diktadurya ni Duterte.

Ayon kay Cristina Palabay, secretary general ng grupong Karapatan, wala man lang daw kasing bahid ng legislative independence ang Konggreso, dahilan para tawagin itong "rubber stamp."

"Duterte’s lapdogs in Congress have basically rejected and blocked out all individual amendments during the hearings and they are hellbent in making sure that this monstrous and repressive piece of legislation is passed, and served to Duterte on a silver platter," wika ni Palabay sa isang pahayag.

Binira rin ng Karapatan ang pagpupumilit ni Senate President Vicente Sotto III at Defense Secretary Delfin Lorenzana na sapat ang safeguards nito upang hindi maabuso.

Aniya, tinanggal kasi ang ilang probisyon gaya ng P500,000 kada araw na danyos perwisyos sa mga idedetineng mapatutunayang walang sala, habang pinalalawig ang saklaw ng "gawaing terorista."

"When activists are being red-tagged and vilified as ‘communist terrorists,’ and when anyone who expresses dissenting opinions on government measures are arrested and jailed, we have every reason to believe that the bill will not only be prone to abuse," dagdag pa niya.

"In fact, many of this country’s most brutal terrorists are in high positions of power—and some can even sit as president."

ANTI-TERROR BILL

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HUMAN RIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with