Pagpasok ng mga dayuhan ‘di pa pinapayagan

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa nagbabago ang desisyon ng IATF tungkol sa pagpasok sa Pilipinas ng mga banyaga.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hindi pa rin pinahihintulutan ng Inter-Agency Task Force ang mga dayuhan na pumasok sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa nagbabago ang desisyon ng IATF tungkol sa pagpasok sa Pilipinas ng mga banyaga.

“Wala pa ho tayong desisyon sa IATF na papasukin ang mga dayuhan,” sabi ni Roque.

Wika ni Roque, na sa mga dumarating pa lang na mga OFWs ay hindi na halos magkanda-ugaga ang gobyerno lalo na’t kailangan pa nilang sumailalim sa PCR test para matiyak na hindi magkakalat ng virus.

Anya, makakadagdag lamang sa kinakaharap na problema ng gobyerno kung papayagan ang pagpasok ng mga dayuhan sa panahong ito na may COVID-19.

Show comments