^

Bansa

Calida sa ABS-CBN: ‘The end is near’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Calida sa ABS-CBN: ‘The end is near’
Humarap si Solicitor General Jose Calida via zoom teleconferencing sa pagpapatuloy muli ng ‘pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises at House Committee on Good Government and Public Accountability sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Miguel De Guzman/File

Coco Martin binuweltahan din

MANILA, Philippines — Lumutang na kahapon sa isinagawang pagdinig sa Kamara si Solicitor General Jose Calida na nagsabi ‘the end is near’ patungkol sa prangkisa  ng ABS-CBN.

Kasabay din nito binuweltahan din ni Calida ang aktor na si Coco Martin kasabay nang pagsasabing, “kung hindi ako Solicitor General, ipakakain ko sa kanya ang kaniyang mga sinabi”.

Humarap si Calida via zoom teleconferencing sa pagpapatuloy muli ng ‘pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises at House Committee on Good Government and Public Accountability sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“ABS-CBN has committed too many violations which went unnoticed and unpu­nished. But we are determined to root out such illegal practices,” ayon pa kay Calida.

Sinabi pa nito na ang motivation ng ABS-CBN ay hindi sa pagseserbisyo kundi makakuha ng kapangyarihan at impluwensya kaya dapat na itong matuldukan.

Binanatan rin ng Solgen si Coco Martin sa naging paha­yag nito  na ang pagpapasara ng National Telecommunications Company (NTC)  sa ABS-CBN matapos namang isyuhan ng Cease and Desist Order ang network dahilan sa pressure at banta ni Calida.

 “Kapag ang pamilya ko kinanti, kahit sino ka pa, lalaban ako ng patayan sa iyo kahit patayin mo pa ako. Maraming maraming salamat Solicitor General Jose Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan! Tinatarantado ninyo ang Pilipinas!”, unang parunggit ni Martin laban kay Calida na nasundan naman na ipagdarasal niya ang Solicitor General para malinawan umano ang kaisipan nito sa panggigipit sa ABS-CBN.

“Kung hindi ako Solicitor General, ipakakain ko kay Coco Martin ang kaniyang mga sinabi.

“ Sinabi ni Calida na maliban kay Martin, ay marami pang artista sa ABS-CBN ang binanatan ang aksyon ng gobyerno kung  saan ginagamit umano ng mga ito ang kanilang impluwensya sa kanilang mga fans para makahakot ng suporta.

 Si Calida ang sinisisi ng milyun-milyong # Laban Kapamilya “ supporters ng ABS-CBN sa pagsasara ng network .

“It appears that he feels he can solve the problems the same way as he solves them on screen, with macho bluster and bravado,” pahayag pa ni Calida na sinabing ang pagbibigay ng prangkisa ay isang pribelihiyo  alinsunod sa regulasyon.

 Ipinaliwanag ni Calida na dahilan sa sub judice rule ay hindi siya makapagbigay ng pananaw at rekomendasyon sa isyu kaugnay ng nakahaing petisyon sa Korte Suprema laban sa ABS-CBN kabilang ang quo warranto sa legislative franchise nito at sa petisyon sa certiorari ng network.

SOLICITOR GENERAL JOSE CALIDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with