^

Bansa

'Free mass testing bill' vs COVID-19 ng Makabayan bloc ipinaliwanag

James Relativo - Philstar.com
'Free mass testing bill' vs COVID-19 ng Makabayan bloc ipinaliwanag
"Swab" testing kontra COVID-19 sa baranggay Pasadena sa Lungsod ng San Juan, ika-6 ng Mayo, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Habang parami nang parami ang bilang ng kaso ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, naghain ng panukalang batas ang ilang militanteng mambabatas na naglalatag ng panuntunan hinggil sa libreng malawakang testing kontra sa virus.

Kasalukuyang walang "mass testing" program ang Pilipinas laban sa pandemya, at nagpapatupad ng "expanded targeted testing" na umaabot pa lang sa 289,732 katao kahapon.

Miyerkules nang ihain ng Makabayan bloc ang House Bill 6848, na layong tumugon sa deficiency ng gobyerno sa mga pagsusuri. 

"However, even after two (2) months of community quarantine, the government miserably failed to meet its self-imposed targets for testing and contact-tracing, much more, the expectations of the Filipino people," sabi ng panukalang batas.

"To save more lives, we should recognize the extreme importance and urgency of mass testing, as well as other medical solutions such as contact-tracing, isolation and treatment."

Sa ngayon, maraming pasyente raw kasi ang namamatay nang hindi nate-test, o kung na-test man, mamamatay nang walang resulta.

Nasa 0.24% pa lang daw ng populasyon ang nate-test sa kasalukuyan, na malayo sa target na 30,000 tests kada araw na target ng gobyerno sa pagtatapos ng Mayo.

Marami rin daw sa mga health workers ang sariling kayod daw sa ngayon para lang sumailalim sa "swabbing" kahit na lagi't laging humaharap sa mga pasyente.

"Thus, urgent pasasge of this Bill is earnestly sought."

Sino ang sasaklawin ng testing?

Sa Section 4 ng panukala, sinasabing makakakuha ng testing ang mga sumusunod na tao:

"All suspect cases, close contacts of probable and confirmed cases, high risk communities, health workers and other vulnerable sectors and groups."

Tumutukoy ang mga nasa itaas sa mga sumusunod:

  • Suspect cases - pasyenteng may "mild" o "severe" symptoms na nagawi o nakatira sa lugar na may local transmission sa loob ng 14 araw bago magka-sintomas
  • Close contacts - asymptomatic o presymptomatic patient na may 15 minuto o pataas na malapit na pakikisalamuha sa isang confirmed o probable COVID-19 case, lalo na kung walang suot na personal protective equipment (PPE)
  • High risk community - lugar na may "local" at "community transmission" at mga kalapit na lugar kung saan mahirap ang buhay
  • Health worker - sinumang tao na nagtratrabaho sa lugar na may kinalaman sa kalusugan, kasama ang mga health at para-health professionals, allied health personnel, administrative at support personnel sa mga health care institutions, mapa-regular man o hindi
  • Vulnerable sectors - symptomatic patients edad 60 pataas, pasyenteng may iba pang kondisyon sa kalusugan, mga buntis, umuwing overseas Filipino workers, iba pang frontline workers at iba pang grupong tutukuyin ng Department of Health

Magsasagawa rin ng mga sumusunod na klase ng testing:

  • surveillance testing sa high risk communities - magte-test ng "representative sample" ng baranggay at mga kalapit na lugar para makita ang tunay na itsura ng outbreak
  • epidemiological testing - pagsasagawa ng "sampling" at testing ng populasyon ng Pilipinas
  • testing ng babalik sa trabaho - ite-test ang lahat ng mga manggagawang may sintomas o manggagawang maituturing na "close contact" matapos suriin ng occupational health practitioner. Employer ang babalikat sa gastusin ng testing. Maaari namang mag-apply ng subsidy para sa testing ng mga empleyado ang mga medium, small at micro enterprises
  • testing ng estudyante, guro at non-teaching personnel - ite-test ang lahat ng mga estudyante't school personnel na may sintomas o mga maituturing na "close contact" matapos ang suriin ng school health practitioner. Magpapaalam muna sa mga magulang ang mga minor de edad na magpapa-test. 
  • umuuwing OFWs - susuriin ng Bureau of Quarantine, ite-test at sasailalim sa 14-day quarantine
  • mga banyaga - susuriin ng kawani ng Bureau of Quarantine, ite-test at sasailalim sa 140--day quarantine

Libre at walang bayad

Kung maipapasa, lilikha ang panukalang batas ng "free mass testing fund." 

"In no case shall there be an individual covered by this Act required to pay the cost of testing and other related expenses, including, but not limited to, the cost of test kits and PPE."

Maliban kung pasok sa ilang espesyal na probisyon, gagamitin ang pondong ito para saluhin ang buong gastusin ng testing at iba pang expenses.

EXPLAINER

MAKABAYAN BLOC

MASS TESTING

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with