^

Bansa

Opening ng klase sa August 24 ligtas – Duque

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Opening ng klase sa August 24 ligtas – Duque
Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng Senate Committee on Health na pinamumunuan ni Sen. Bong Go.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Siniguro ni Health Secretary Francisco Duque III na ligtas na magbukas ang mga paaralan sa Agosto 24.

Ito ang sinabi ni Duque sa pagdinig ng Senate Committee on Health na pinamumunuan ni Sen. Bong Go.

Ayon sa kalihim, pinag-aaralan nila ang sitwasyon subalit sa kanilang pagtaya ay magiging ligtas naman ang mga mag-aaral sa COVID-19 kahit wala pang bakuna basta nakalatag ang minimum health standards.

Kabilang umano sa minimum health standards ang physical distancing, madalas na paghuhugas ng kamay at pagdi-disinfect ng mga paaralan at pagpapakalat ng alcohol at sanitizer gayundin ang pagkakaroon ng thermal scanner.

Kailangan din umano na abisuhan ang mga magulang na huwag papasukin ang mga anak kapag may sakit.

Naniniwala umano sila sa DOH na may malakas na programa ang Department of Education para maingatan ang mga estudyante mula sa COVID-19.

Isa na rito ang ikinakasa ng DepEd na online learning alternative na kapag marami umano ang COVID-19 cases sa isang barangay ay kasama sa isasailalim sa community quarantine ang sakop na paaralan.

Nakausap na umano ng Senador sina Education Secretary Leonor Briones at CHED chairman Prospero De Vera na nagsabing isusulong nila ang online na pagdaraos ng klase para maging ligtas ang mga estudyante mula sa COVID-19.

FRANCISCO DUQUE III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with