^

Bansa

14,669 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas

James Relativo - Philstar.com
14,669 na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
Binabantayan ng offical na ito ng barangay 12 sa Lungsod ng Caloocan ang hangganan nito sa barangay 8 matapos i-extend hanggang ika-31 ng Mayo ang kanilang lockdown dahil sa pagdami ng COVID-19 cases.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Habang pinag-uusapan ang pagbawi ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, parami pa rin nang parami ang bilang ng kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (COVID-19) sa bansa, ayon sa huling taya ng Department of Health, Martes.

Pagbabahagi ng DOH, nasa 14,669 ang kumpirmadong infections sa bansa simula nang makapasok ang virus galing Wuhan, China. 'Yan ay matapos nitong madagdagan nang 350 panibagong kaso ngayong araw.

Sa bilang na 'yan, 10,371 naman ang itinuturing na aktibong kaso, na hindi pa rin gumagaling o namamatay magpahanggang sa ngayon.

Patay naman sa sakit ang karagdagang 13 kaso, dahilan para umakyat ang kabuuang COVID-19 death toll sa Pilipinas sa 886.

Samantala, nag-recover naman sa pathogen ang 89 pang tao, dahilan para umabot na sa 3,412 ang kabuuang bilang ng mga gumagaling sa virus.

May klase ba sa Agosto o wala?

Hindi pa naman nagtutugma ang pahayag ng DOH, ni presidential spokesperson Harry Roque at Pangulong Rodrigo Duterte kung ligtas na nga bang bumalik ang mga klase sa ika-24 ng Agosto dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Ayon kasi kay Digong, hindi pa ito dapat manukbalik hangga't wala pang bakuna laban sa nakamamatay na sakit.

Sinabi naman kanina ni Health Secretary Francisco Duque III na okey lang na manumbalik ang mga pisikal na klase dahil "ligtas" naman, basta't masusunod ang physical distancing at iba pang protocol na inilatag ng Department of Education.

Pero binago ni Duque ang kanyang pahayag ngayong hapon din: "We can't risk children going back until there is a vaccine. Very important po ang bakuna," wika niya.

"Together with DepEd we will explore alternative means to modify classes for safe physical distancing. AS LONG AS MINIMUM HEALTH STANDARDS ARE MET, schools can open. If standards are not met, best to wait for vaccine."

 

Banggit naman ni Roque, tuloy ang face-to-face classes sa Agosto basta't mapawi na ang mga community quarantine at dumating na ang "new normal."

Litong-lito tuloy ang marami kung ano ang susundin sa aniya'y "contradictory" na pahayag ng tatlo.

Umabot na sa 5.3 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling tala ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 342,070 na ang namamatay.

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with