OFW uuwi sa Pinas

Nalitratuhan ang ilan sa mga naistranded at na-quarantined na overseas Filipino worker habang nakapila sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport para sa biyahe pauwi sa kani-kanilang lalawigan.
Kuha ni KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nabatid kahapon kay Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na tinatayang 300,000 overseas Filipino worker ang inaasahang babalik sa Pilipinas sa taong ito. 

“Buong mundo kasi ang naka-lockdown. Pinauuwi talaga nila iyong mga workers -- hindi lang Pilipinas -- iba’t-ibang countries. Ito rin ang pagkakataon na ipakita natin ang importance ng mga OFWs ‘pag sila ay umuwi na,” dagdag niya.

Umaabot naman sa 5,000 Pilipino sa Hong Kong ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic, ayon kay Dolores Balladares-Pelaez na tagapangulo ng  United Filipinos in Hong Kong.

“Marami po tayong kababayang nawalan ng trabaho. Alam ko po mga 5,000 Filipinos, hindi lang po mga domestic workers, pati iyong mga residente mismo,” sabi ni Balladares-Pelaez sa isang radio interview 

Sa kaugnay na ulat, binigyan lamang ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ng isang linggong palugit ang Department of Labor and Employment, Overseas Workers Welfare Administration, at Department of Health upang pauwiin sa kani-kanilang probinsiya ang nasa 24,000 OFW na naka-quarantine sa iba’t ibang hotel sa Metro Manila at mga barko sa Manila Bay. Ang ultimatum ay ipinarating ng Pangulo kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Show comments