MANILA, Philippines — Inianunsiyo kahapon ng Malacañang na naabot na ang target na 30,000 coronavirus test kada araw.
Sinabi ni Presidential Spokeperson Harry Roque na noong Mayo 20 ay naitala ang 32,100 polymerase chain reaction (PCR) tests.
Sinabi ni Roque na ang nasabing bilang ay mas mataas nang anim na beses kumpara noon mga nakalipas na araw.
“Nalampasan na po natin ang ating target. Anim na beses po ang inilaki ng ating testing capacity, PCR — mula 5,000 noong April 15 sa loob lamang ng isang buwan,”pahayag ni Roque.
Ipinahiwatig ni Roque na tumaas ang testing capacity dahil sa Task Force T3 na pinamumunuan ng chief implementer na si Vince Dizon.
Ayon pa kay Roque, umaabot na sa 66 ang COVID-19 testing laboratories sa bansa.