^

Bansa

'Modified GCQ' pinag-aaralan sa Metro Manila simula ika-1 ng Hunyo

James Relativo - Philstar.com
'Modified GCQ' pinag-aaralan sa Metro Manila simula ika-1 ng Hunyo
Pumipila ang mga mamimiling ito sa isang tindahan ng bisikleta sa Maynila habang suspendido pa rin ang pampublikong transportasyon sa ilalim ng mga modified enhanced community quarantine (MECQ) areas, ika-20 ng Mayo, 2020.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Isa ang mas maluwag na "modified" na anyo ng general community quarantine (GCQ) sa mga pinag-aaralan ngayon ng gobyerno upang makabawi ang ekonomiya sa krisis na idinulot ng novel coronavirus (COVID-19).

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na mas madali asikasuhin ang mga lockdown sa mas maliliitang antas.

Kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Kamaynilaan, na nagpapatupad pa rin ng mahihigpit na quarantine protocols sa gitna ng pagbubukas ng ilang industriya.

"If ever pwedeng may modified GCQ siguro, meaning open ang ating... mga establishments, but the mayors can decide if they're going to lock down certain sectors or places," ani Garcia.

"Sabi ko nga, nung huli kami nag -usap, it's better mas maliit ang i-lockdown mo, mas manageable, mas controllable."

Ika-13 ng Mayo simula nang magpatupad ng mas mahigpit na "14-day special concern lockdown"  ang ilang bahagi ng Lungsod ng Quezon (hindi buo), dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 roon.

QC ang isa sa pinakamalaking siyudad sa Kamaynilaan at may pinakamalaking bilang ng confirmed infectrions sa rehiyon.

Nakatakdang magpulong ang Metro Manila Council sa ika-27 ng Mayo upang magrekomenda ng itsura ng lockdown matapos ang buwan.

Kanina lang din nang sabihin ni Sen. Panfilo Lacson na suportado niya ang pagre-relax ng mga quarantine restrictions sa Metro Manila simula ika-1 ng Hunyo para makabawi ang ekonomiya.

Aniya, tila "bukas na gripo": ngayon ang rekurso ng gobyerno sa pagbibigay ng pondo kung kaya't mas mainam na luwagan na ang mga naunang paghihipit.

"Basta't may physical distancing at iba pang protocols na mahigpit na susundan at ipatutupad ng mga otoridad, suportado ko ang planong pagpayag sa planong pagbabalik ng business activities sa limitadong saklaw," sabi niya sa Inggles.

GCQ posible rin sa Metro Manila

Sabado nang sabihin ni Department of National Defense (DND) na posible rin paluwagin pa ang MECQ patungong GCQ, na mas maluwang sa modified GCQ, simula susunod na Linggo.

Hindi tulad ng ECQ, pinapayagan ang limitadong pampublikong transportasyon sa mga "low-risk" GCQ areas at limitadong pagbabalik ng mga empleyado sa kani-kanilang pisikal na trabaho.

"More likely mag-gi-GCQ na tayo by June 1," ani Lorenzana sa media sa isang event sa Camp Aguinaldo.

"Ang pinag-uusapan naming sa [Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] , e mag-GCQ pero 'yung mga areas na meron pa ring... mga infection baka 'yun na lang ang ikontrol nang konti."

Bagama't maaaring lumabas-labas para mag-ehersisyo sa mga GCQ areas, pinagbabawalang lumabas ng bahay ang sinumang mas bata sa 21-anyos at 60-anyos pataas, kasama ang mga buntis at mga karagdagang health risk, maliban na lang kung para sa mahahalkagang serbisyo at pangangailangan.

Ilan sa mga una nang binuksan sa mga GCQ areas ang ilang malls, na sarado sa mga ECQ at MECQ areas.

Kasalukuyang nasa 14,035 ang bilang ng confirmed COVID-19 infections sa Pilipinas, ayon sa Department of Health. Sa bilang na 'yan, 868 na ang namamatay.

LOCKDOWN

METRO MANILA

MMDA

MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with