1st batch ng Balik Probinsya lumarga na sa Leyte - Sen. Go

MANILA, Philippines  — Tinatayang 111 benepisaryo na may 85 pamilya ang bumiyahe na patungong Leyte bilang unang grupo na sumailalim sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Council na isinulong ni Sen. Bong Go.

Ang mga benepisaryo ay kinabibila­ngan ng mga tinatawag na ‘heads of the family’ at bahagi ng 3,371 identified applicants na nagpahayag ng kagustuhang makabalik sa kanilang bahay sa iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan ng Leyte.

“Natutuwa ako na nga­yong araw ay nasimulan na natin ang pilot testing ng BP2 Program. Nakikita natin ang efficiency ng implementasyon ng programang ito na ating inihahandog para sa mga Pilipino. May political will ang ating gobyerno… importante na nasimulan na natin ito,” ayon kay Sen. Go.

Si Go, pangunahing nagsulong ng BP2 program, ay nagpahayag na ang inisyatibang ito ay naglalayong bigyan ng pag-asa para sa magandang kinabukasan ang mga Filipino matapos ang health crisis dulot ng COVID-19 outbreak.

Ang tanggapan din ni Sen. Go ang nag-provide ng food packs, protective masks at iba pang tulong sa mga benepisaryo.

“Pinili natin ang probinsya ng Leyte bilang unang destinasyon dahil sila ang may pinakamataas na numero ng aplikante,” ani Go.

Aniya pa, ang provincial government ng Leyte ay isa sa nagpahayag ng kahandaan na tanggapin ang mga residenteng magbabalik sa kanilang bayan.

Show comments