MANILA, Philippines (Update 2, 6:42 p.m.) — Pahina na nang pahina ang lakas ng Severe Tropical Stom "Ambo" habang patungo sa hilagang bahagi ng Quezon, Biyernes.
Ayon sa PAGASA, posibleng tumama sa kalupaan ng Real o Infata ang dating typhoon sa ika-pitong pagkakataon sa pagitan ng 5:00 p.m. at 7 p.m.
Una nang tumama sa kalupaan ang mata ng bagyo sa San Policarpo, Eastern Samar; Dalupiri Island, Northern Samar; Capul Island, Northern Samar; Ticao Island, Masbate; at Burias Island, Masbate.
Alas-kwatro nang matagpuan ang sentro ng bagyo sa 40 kilometro ng Infanta, Quezon at may dalang hanging may lakas na 100 kilometro kada oras at bugsong aabot sa 140 kilometro kada oras.
Kumikilos ito ngayon pa-hilagangkanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Wala nang Tropical Cyclone Wind Signal no. 3 sa ngayon, ngunit signal no. 2 pa rin sa:
- Ilocos Norte
- Ilocos Sur
- La Union
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- silangang bahagi ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Umingan, Balungao, Sta. Maria, Tayug, Asingan, San Manuel, Binalonan, Laoac, Urdaneta, Villasis, Rosales, Sto. Tomas, Alcala, Bautista, Bayambang, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, Sta. Barbara, Manaoag, Mapandan, San Jacinto, San Fabian, Pozorrubio, Sison, Mangaldan, Dagupan, Calasiao, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Aguilar, San Carlos, Mangatarem)
- Tarlac
- Pampanga
- Metro Manila
- Bulacan
- Laguna
- Cavite
- Batangas
- Rizal
- Marinduque
- hilagang bahagi ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Sampaloc. Lucban, Tayabas, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Lucena, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Gumaca, Pitogo, Macallelon, General Luna, Catanauan, Lopez, Buenavista, Guinayangan, Calauag, Tagkayawan, Perez, Alabat, Quezon)
- Polillo Islands
- kanlurang bahagi ng Camarines Norte (Santa Elena, Capalonga)
- Nueva Ecija
- Nueva Vizcaya
- Aurora
- Quirino
- kanlurang bahagi ng Isabela (Quezon, Mallig, Roxas, Quirino, San Manuel, Burgos, Gamu, Reina Mercedes, Aurora, Luna Cabanatuan, Naguilian, Benito Soliven, Cauayan, San Guillermo, Dinapugue, San Mateo, Alicia, Angadanan, Ramon, San Isidro, Echague, Jones, San Agustin, Santiago, Cordon)
Makatitikim ng mga hanging mula 61 hanggang 120 kilometro kada oras sa mga lugar na 'yan sa susunod na 24 oras at makararanas ng mapaminsalang gale/storm-force winds" sa pagtawid ng bagyo.
Samantala, signal no. 1 naman sa:
- Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- Batanes
- Zambales
- Bataan
- nalalabing bahagi ng Pangasinan
- nalalabing bahagi ng Isabela
- nalalabing bahagi ng Quezon
- nalalabing bahagi ng Camarines Norte
- kanlurang bahaging Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Cabusao)
- hilagangsilangang bahagi ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro, Baco, Calapan, Naujan, Victoria, Socorro, Pola)
Nasa 30 hanggang 60 kilometrong lakas ng hangin ang mararamdaman dito sa loob ng 36 oras, at makararanas ng malakas hanggang "near gale-force winds" habang dumaraan ang bagyo.
Itsura ng mga pag-ulan
Hanggang ngayong gabi, katamtaman hanggang malalakas at minsa'y matitinding pag-ulan ang mararanasan sa Quezon, Marinduque, Aurora, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Quirino.
Sa pagitan ngayong gabi hanggang bukas ng gabi, katamtaman hanggang malalakas at minsanang matitinding pag-ulan ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, Nueva Vizcaya at Quirino.
"Ang mga residente sa mga lugar na 'yan ay pinapayuhang mag-ingat at makipag-ugnayan sa mga local disaster risk reduction and management offices," sabi ng PAGASA.
Sana rin daw ay tumutok ang publiko sa mga updates, lalo na sa mga local rainfall o thunderstorm advisories at heavy rainfall warning mula sa PAGASA Regional Services Divisions (PRSD).
Maaari rin daw mangyari ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga "very highly susceptible areas" habang bumabagyo.