^

Bansa

Pagbubukas ng klase nilinaw

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbubukas ng klase nilinaw

MANILA, Philippines — Maaari nang magbukas ng klase kahit anong oras ang mga higher education institutions (HEIs) kung gagamit sila ng “full online education” o hindi papupuntahin ang mga estudyante sa mga eskuwelahan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emer­ging infectious diseases ang rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED) tungkol sa pagbubukas ng klase na ibabase sa education delivery mode.

Ang mga institusyon na hindi magkakaroon ng “face-to-face o in person mode” ay malayang magbukas ng klase anumang petsa. Pero ang gagamit ng flexible learning ay maaari lamang magbukas sa Agosto.

Ang mga HEIs naman na mas marami ang oras na kailangang magtungo sa paaralan ang mga estudyante ay hindi papayagang magbukas ng mas maaga sa Setyembre 2020 sa mga lugar na nasa general community quarantine.

HARRY ROQUE

HEIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with