^

Bansa

5% bawas sa corporate Income Tax isinulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling nanawagan kahapon si House Economic Stimulus co–Chairman at Albay 2nd Rep. Joey Salceda sa mga kapwa nito mambabatas na makiisa na ipasa agad ang Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) at bigyan ng 5% bawas sa Corporate Income Tax (CIT) ang mga negosyo upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa krisis sa COVID-19.

Sinabi ni Salceda na nilalayon ng CITIRA na maisaayos ang mga ‘tax incentives’ para sa mga negosyo kung saan ay mababawasan ang mga CIT mula 30% na pinakamataas sa buong Southeast Asia ay ibaba ito sa 20% na lamang sa loob ng 10 taon. Sa pamamagitan nito ay mapapalaki ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa kada taon habang nada­dagdagan naman ng 0.9 lamang ang inflation rate.

Idiniin ni Salceda na siya rin Chairman ng House Ways and Means Committee na magsisilbi itong daan upang makabangon ang ekonomiya ng bansa na bumag­sak dahil sa COVID-19 pandemic dahil mahihikayat ang mga mamumuhunan na mag-invest ng kanilang mga negosyo sa bansa.

CIT

CITIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with