Cavite, GCQ na sa May 16

MANILA, Philippines — Simula sa Mayo 16 ay isasailalim na sa General Community Quarantine ang lalawigan ng Cavite. Sa Facebook page ni Cavite Gov. Johnvic Remulla, sa ilalim ng GCQ, sisimulan na ang dahan-dahan na pagbubukas ng ekonomiya, kasama na rito ang pagbukas ng mga mall at shopping centers.

Subalit pinaalalahanan pa rin na bawal ang lumabas ng walang face mask, walang quarantine pass maliban sa mga nagtratrabaho.  Mananatili pa rin ang curfew  sa lahat  na  8pm-5am, maliban sa mga may valid work permit.

Ang mga bar o inuman ay bawal pa rin magbukas habang ang mga pagbiyahe ay limitado pa rin at ipapatupad pa rin ang Social Distancing. Sa mga mall na magbubukas ay lilimitahan ang paggamit ng aircon, bawal ang tumambay sa loob kaya hindi muna bubuksan ang mga Free WiFi sa lahat ng malls. Ang mga restaurant ay hindi pa rin pwede ang dine-in.

Show comments