^

Bansa

2nd wave na cash assistance at rapid testing sa Palayan City, umarangkada

Pilipino Star Ngayon
2nd wave na cash assistance at rapid testing sa Palayan City, umarangkada
Sinimulan na rin ang libreng rapid Covid testing para sa mga Palayanos sa pangunguna ni Mayor Rhianne Cuevas na isa ring licensed nurse.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Umarangkada na ang second round na P3,000 cash assistance at food packs para sa mahigit 13,000 pamilya ng Palayan City sa Nueva Ecija.

Sinimulan na rin ang libreng rapid Covid testing para sa mga Palayanos sa pangunguna ni Mayor Rhianne Cuevas na isa ring licensed nurse.

Ayon kay Mayor Cuevas, binigyan nila uli ng tig-P3,000 ang bawat pamilya at kalahating timba ng bigas, mga gulay, karne, at de lata para maitawid ng mga kababayan niya ang krisis na ito.

“Hindi po lahat nabig­yan ng SAC ng DSWD dito po sa amin pero siniguro po namin na walang magugutom kahit hindi sila napasama sa listahan ng DSWD dahil ang lokal na pamahalaan na ang pupuno ng kakulangan na iyon,” wika niya.

Una hanggang ikalawang linggo ng Abril namigay ng first wave ng mga food packs at P3,000 si Cuevas sa mga constituents niya kabilang na ang pagbibigay ng mga facemasks at personal protective equipments sa mga frontliners ng natu­rang lungsod.

Inamin ni Cuevas na 60 porsyento lang ng kababayan niya ang nabig­yan ng social amelioration cash kung kaya’t namigay ito ng P3,000 bawat pamil­ya na nakatanggap man ng SAC o hindi.

At para masiguro na walang bawas ang pinamimigay na cash, mismong si Mayora at ilang mga tauhan nito ang nag-abot ng pera at tulong sa mga residente ng Palayan City.

CASH ASSISTANCE

RAPID TESTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with