^

Bansa

Construction ng LRT sa Cavite inumpisahan na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Construction ng LRT sa Cavite inumpisahan na
Ito’y matapos na payagan ng pamahalaan na magpatuloy ang paggawa ng railway projects sa kabila ng umiiral na istriktong quarantine measures na ipinatutupad dulot ng nararanasang COVID-19 pandemic.
Light Rail Transit Authority, file

MANILA, Philippines — Sinimulan nang muli ang infrastructure work ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) extension project sa Cavite.

Ito’y matapos na payagan ng pamahalaan na magpatuloy ang paggawa ng railway projects sa kabila ng umiiral na istriktong quarantine measures na ipinatutupad dulot ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Ayon sa Light Rail Manila Corp. (LRMC), pili lamang ang mga pagkukumpuni at infrastructure work na ipinagpatuloy nilang isagawa.

Ang LRT-1 extension project na may habang 11.7 kilometro, ang magpapalawig sa LRT-1 sa Metro Manila, patungo sa Bacoor, Cavite.

Inaasahan namang matatapos ang proyekto hanggang sa susunod na taon.

Matatandaang natigil ang proyekto noong Marso matapos ang ipinatupad na enhanced community lockdown sa Luzon.

EXTENSION PROJECT

LIGHT RAIL TRANSIT LINE 1

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with