Agosto 24, simula na ng klase

Dapat sana ay unang linggo ng Hunyo ang pagbubukas ng klase sa bansa ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay nagpasya ang DepEd na gawin itong huling linggo ng Agosto.
Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines — Itinakda ng Department of Education (DepEd) sa Agosto 24 ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2020-2021.

Dapat sana ay unang linggo ng Hunyo ang pagbubukas ng klase sa bansa ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay nagpasya ang DepEd na gawin itong huling linggo ng Agosto.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang pagpili ng petsa ay ibinase nila sa konsultasyon sa mga stakeholders at survey sa may 700,000 respondents.

Paglilinaw naman ng kalihim, hindi ito nanga­ngahulugan na kinakailangang pisikal na papasok sa paaralan ang mga mag-aaral.

Maaari aniyang gawing virtual muna ang pagka­klase sa ilang lugar.

Una nang sinabi ng DepEd na plano nilang gamitin ang radyo, telebisyon at teknolohiya upang maabot ang lahat ng mga mag-aaral sa bansa.

Kaugnay nito, kahit Agosto na magsisimula ang klase ay mananatili pa ring Abril 30 ang pagtatapos ng school year.

Show comments