^

Bansa

'Virtual o pisikal': Klase magsisimula sa ika-24 ng Agosto, sabi ng DepEd

Philstar.com
'Virtual o pisikal': Klase magsisimula sa ika-24 ng Agosto, sabi ng DepEd
Kuha ng mga estudyante sa esklwelahan bago ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) kontra COVID-19.
The STAR/Miguel de Guzman/File

MANILA, Philippines (Update 1, 1:04 p.m.) — Inanunsyo ng Department of Education na magsisimula ang panibagong school year sa Agosto habang binubuno ng bansa ang problema ng coronavirus disease (COVID-19).

Paliwanag ni DepEd Secreary Leonor Briones, maaaring ilunsad sa pamamagitan ng pisikal o virtual class ang school year 2020-2021 na magsisimula sa ika-24 ng Agosto.

"Pero di ibig sabihin na lahat physical na papasok kasi may lockdown tayo sa iba’t-ibang lugar," sabi niya sa isang briefing.

"Pwedeng virtual, pwede ring physical sa mga lugar na ina-allow ang physical na pagbukas ng eskwelahan."

Nakatakdang magtapos ang nasabing school year sa ika-30 ng Abril, 2021.

Sabi ni Briones, naabot nila ang desisyong ilipat ang school opening mula Hunyo hanggang Agosto matapos ang masusing konsultasyon sa COVID-19 task force ng gobyerno.

Matatandaang sinuspinde ang pisikal na mga klase sa lahat ng antas matapos ibaba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila community quarantine, na kalauna'y naging enhanced community quarantine (ECQ) sa iba't ibang rehiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Dahil diyan, sari-saring institusyon ang lumipat patungong online learning.

'Online learning' paano sa mahihirap?

Siksikan ang maraming pampublikong paaralan sa ngayon, dahilan para maging mahirap ang social distancing sa panahon ng pandemya.

Tinitignan ngayon ng DepEd na magpatupad ng mga alternatibong pamamaraan ng pag-aaral na hindi na mangangailangan ng harapang pakikisalamuha ng mga estudyante't mga guro, bagay na "anti-poor" diumano sabi ni House Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda.

Reklamo kasi ni Salceda, hindi lahat ng mga estudyante ay kaya ang ganitong pamamaraan dahil marami ang walang sariling cmputer at internet sa kani-kanilang tahanan. 

Ang puntong 'yan, sinang-ayunan naman ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio.

"May mga estudyanteng walang access sa teknolohiya kung kaya't naghahanda kami ng printed instructional packets o self-learning kits," sabi ni San Antonio.

Pinag-aaralan din daw ngayon ng pamahalaan kung maaaring gamitin ang telebisyon at radyo bilang pamamaraan ng pagtuturo. — James Relativo at may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

AUGUST

DEPARTMENT OF EDUCATION

LEONOR BRIONES

NOVEL CORONAVIRUS

SCHOOL YEAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with