^

Bansa

OFW contribution sa PhilHealth boluntaryo na lang, utos ni Duterte

Philstar.com
OFW contribution sa PhilHealth boluntaryo na lang, utos ni Duterte
Kuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang talumpati sa Sultan Kudarat noong ika-27 ng Nobyembre, 2017.
Presidential Photo/Albert Alcain

MANILA, Philippines — Hindi na gagawing sapilitan ang pagpapabayad ng premium contributions sa Philippine Health Insurance Corp., sabi ng Palasyo, Lunes.

Sabi ni presidential spokesperson Harry Roque, inutusan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth na gawing boluntaryo na lang ang premium contribution ng mga overseas Filipino workers.

"Ipinapaalam na po namin sa inyo na nag-isyu ng direktiba ang ating presidente sa PhilHealth para gawing boluntaryo po ang pagbabayad ng mga OFWs ng PhilHealth premiums," ani Roque sa isang virtual briefing kanina.

Hindi na rin daw oobligahin ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga papalabas na OFWs na magbayad ng premium para mabigyan ng "overseas employment certificate" (OEC), na magpapahintulot sa kanilang umalis ng bansa.

Bumuhos ang galit ng marami kahapon matapos pumutok ang balitang tataasan ang kanilang kontribusyon kahit marami sa kanila'y hindi makikinabang sa PhilHealth habang nasa ibayong dagat.

"Wala sa batas na nagsasabi na dapat patawan ang mga OFWs ng karagdagang premium sa pamamaraan na nais pong ipatupad ng PhilHealth. 'Yan po ay nasa implementing rules and regulation, para po sa kaalaman ng lahat," dagdag ni Roque, na isa sa mga nagsulong ng Universal Healthcare Law sa Kamara noong 17th Congress.

Sa Philhealth Circular 2020-2014 na pinetsahang ika-2 ng Abril, 2020, inabisuhan ang mga OFW na may buwanang sahod na P10,000 hanggang P60,000 na magbayad ng 3% monthly premium, mula sa dating 2.75%.

Sa parehong circular, hinihingi na tatlong buwang premium ang dapat inisyal na bayad.

Umani na ng 300,000 lagda ang isang online petition sa Change.org laban sa naturang kautusan.

Wika pa ng Palasyo, sususpendihin ang kautusang 'yan hangga't hindi pa nawawala ang problema ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Suspensyon ng IRR

Sa isang tweet, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nananawagan siya para sa suspensyon ng Section 10.2.C ng IRR ng Republic Act 11223oUHC law "sa gitna ng epektong ekonomiko ng COVID-19 pandemic sa mga OFW."

Ito raw ang kanyang irerekomenda sa PhilHealth, na isang ahensya sa ilalim ng Department of Health (DOH).

"Samantala, lalapitan natin ang ating mga stakeholders pagdating dito," wika pa ni Duque sa Inggles.

Sa isang hiwalay na briefing, sinabi ni PhilHealth chief executive officer at president Ricardo Morales na naglabas na sila ng anunsyo na nagpapaluwang sa collection period ng kontribusyon.

"May moratorum hanggang ika-3 ng Mayo," sabi niya, sa diwa na rin daw ng Bayanihan to Heal as One law.

Sinabi ni Morales na ang nasabing circular sa tinaasang premium contributions ay "sakop ang lahat ng miyembro, pati ang mga self-employed na nagbabayad ng kanilang premium," at hindi lang mga OFW.

Tinitignan din daw nila kung kaya pang pahabain ang moratorium sa pangongolekta. — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

Related video:

HARRY ROQUE

PHILHEALTH

PREMIUM

RODRIGO DUTERTE

UNIVERSAL HEALTHCARE LAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with